Cultural

Bishop Emeritus Amantillo, pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 83 ang kauna-unahang Obispo ng Diocese ng Tandag na si Bishop Emeritus Ireneo Amantillo, CSSR.

Siya ay namayapa, alas-8:25 ng umaga, October 11, sa Redemptorist House sa Cebu, City.

Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na detalye ang Redemptorist of Cebu kung saan ibuburol at ang araw ng libing ni Bishop Amantillo.

“At 8:25 this morning, Bishop Ireneo Amantillo, CSsR, Bishop-Emeritus of Tandag, passed away. He died at the Redemptorist House in Cebu City. Wake and funeral details will follow. May he rest in peace,” ang ipinadalang pahayag ng Redemptorist of Cebu.

Si Bishop Amantillo ang kauna-unahang obispo ng Tandag mula ng ito ay italagang diyosesis noong 1978 at nagsilbi hanggang sa kaniyang pagreretiro noong 2001.

Ang Obispo ay isinilang noong December 10, 1934 sa Alimodian, Iloilo.

Inordinahang pari Redemptorist Church sa Cebu noong 1962 bilang miyembro ng Congregation of the Most Holy Redeemer.

Itinalaga bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Cagayan de Oro taong 1976-1978.

Ang namayapang obispo ay nagsilbi bilang pari ng simbahan sa loob ng higit limampung taon at obispo sa loob ng 42 taon.