Hinikayat ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang mga kabataan sa mga parokya na magtatag ng VEC o virtual ecclesial community.

‘Ini-encourage natin ang mga kabataan na makabuo ng lectio divina groups.

Sinabi ni Bishop David na nagsimula ito sa amin sa panahon ng pandemya yung pag-oorganize sa mga nakaquarantine.

“It began with some church workers na napasok din sa quarantine na imbes na magpaserve lang doon e magserve din sila and maorganize yung mga kasamahan nila na tinawag naming VEC,” ayon kay Bishop David.

Inihayag ng Obispo na layon nitong patuloy na maipahayag ang ebanghelyo at pagninilay sa kabila ng mga umiiral na restrictions dahil sa pandemya lalu na sa mga pasyente ng Covid-19.

 

Slider

 

Ayon kay Bishop David, ang VEC ay isang grupo ng kabataan at mga pari na tatatalakay at magninilay ng ebanghelyo sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platform.

Hinihikayat din ng Obiso ang mga commission on education and lay formation na magsanay ng mga potential facilitators ng VEC lalung lalu na sa mga kabataan.

Ang Diocese ng Kalookan ay bahagi ng mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine o ang NCR Plus Bubble kung saan naitatala ang pinakamaraming bilang ng mga nagpopositibo sa novel coronavirus.

Bukod sa VEC, una na ring inilunsad sa diyosesis ang Comfrandia de San Roque (CSR) na nagmomonitor via internet sa kalagayan ng mga pasyenteng nasa quarantine.