Patuloy na sinisikap ng Diocese of Parañaque na magsagawa ng mga programa para makatulong sa kanilang mamamayan na apektado ng ipinatutupad na quarantine measures.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay MS Lee Fernandez, tagapamuno ng Health Ministry ng nasabing Diyosesis, nagpapasalamat ito sapagkat maraming organisasyon ang tumutulong sa kanila upang makapagbigay ng ayuda sa mga mahihirap.

Ipinaliwanag ni Fernandez na iba’t-ibang private at church organizations ang nakipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para makapamigay ng mga relief goods, gift checks at in kind donations.

Batay sa kanilang datos, umabot na sa 19,600 na pamilya ang kanilang una ng natulungan at ngayon ay nasa kabuuang 26, 000 pamilya ang kanilang natugunan magmula ng magsimula ang pandemya.



Sa pagpapatupad muli ng ECQ sa Metro Manila tiniyak ni Fernandez na patuloy silang magsasagawa ng mga relief operation para makatulong sa mga naapektuhang pamilya.

“dito sa aming Parokya nagkaroon tayo ng programa para mareach out ang ating mga kapanalig yun mga poor families nagkaroon po ng bagong programa na ito po ay binahagi ko sa Diocese ito yun tinatawag naming na balik handog ito po ay bago para po sa magkaroon tayo na ma-sustain natin ang pamimigay sa mga kapatid na nahihirapan dito”. Ani Fernandez sa panayam ng Radyo Veritas.

Inaasahan na dahil sa programang ito ng kanilang Parokya sa San Roque de Alabang ay mas magagawa nilang maabot ang may 3 libong pamilya na mahihirap.

“Dito sa ating community dito itong balik handog nagkaroon tayo ng 3,000 families at ang balik handog ang 50 percent ibigay natin magkaroon tayo ng community assistance every month para ma-sustain natin ang pamimigay”.

Magugunitang ang Diyosesis ng Parañaque ay binubuo ng 3 Siyudad sa Metro Manila kabilang ang Muntinlupa City at Las Piñas City.

Naging katuwang din ng Caritas Manila ang Caritas Parañaque sa pamimigay ng gift checks mula sa mga pribadong sektor kung saan umabot ito sa P20 milyong piso.

Rowel Garcia

By Rowel Garcia

Rowel Garcia Disaster Coordinator