Bagong Papal Nuncio sa Pilipinas, malugod na tinatanggap ng Archdiocese of Ozamis

Posted on Posted in Cultural

Nagpahayag ng pagbati ang Archdiocese of Ozamis sa bagong papal nuncio ng Vatican sa Pilipinas na si Archbishop Gabriele Giordano Caccia.

“The Archdiocese of Ozamis is too glad to welcome you here in the Philippines. We are very happy that we have a new nuncio. We hope that you will enjoy your stay here in the Philippines and we hope that you will be able us here in Ozamis,” pahayag ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad.

Ang papal envoy ay sinalubong ng mga opisyal ng simbahan kabilang sina Gaudencio Cardinal Rosales at incoming CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles.

September 2017 nang itinalaga ni Pope Francis si Archbishop Caccia bilang kinatawan ng Vatican sa Pilipinas, kahalili ni Archbishop Guiseppe Pinto na itinalaga naman sa Croatia.

Si Archbishop Caccia ay isinilang sa Milan, Italy noong 1958.

Siya ay inordinahan bilang pari ng 1983 at naging arsobispo noong 2009.

Bago naitalaga sa Pilipinas, si Archbishop Caccia ay ang Apostolic Nuncio sa Lebanon.

Inaasahang si Archbishop Caccia ang dadalo para sa ‘imposition of pallium’ kina Archbishop Jumoad at Lipa Archbishop Gilbert Garcera na sabay ginawaran ni Pope Francis ng palium bilang mga bagong arsobispo.

Ang pallium ay ‘vestment’ na gawa sa puting tela na isinusuot ng Santo Papa at mga arsobispo- na nagpapakita ng awtoridad sa kanilang nasasakupan at simbolo ng pakikipag-isa sa holy see.

Ang seremonya ay isasagawa na lamang sa kani-kanilang home archdiocese na pangungunahan ng Apostolic Nuncio sa bansa.

Ito ang isa sa pagbabago na ipinatupad ni Pope Francis nang mamuno bilang pinuno ng simbahan noong 2013 na dati-rati ay ipinagdiriwang sa Roma.

Si Archbishop Jumoad ng Ozamiz ay itinalaga noong November 2016, habang si Archbishop Garcera ay itinalaga bilang arsobispo ng Lipa noong Pebrero 2017.

Sharing is caring
  •  
  •  
  •  
  •  
  •