Cultural

Arsobispo ng Cebu, hinimok ang mga mananampalataya na maging kalmado.

Umaapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa publiko na manatiling kalmado sa kabila ng insidente ng pagkabaril at pagkapatay sa isang lalaki sa loob ng Archbishops Palace sa Cebu.

Ito ang ibinihagi ni Cebu Auxiliary Bishop Dennis Villarojo sa panayam ng Radio Veritas. Ayon kay Bishop Villarojo, hinihiling ni Archbishop Palma sa lahat na huwag magdulot ng mga espekulasyon habang iniimbestigahan ang pangyayari.

“He appealed for calm, and don’t make any speculations because investigations are still on-going. Let the process take its course.” ng pahayag ni Bishop Villarojo sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, tinatayang alas onse ng umaga ng dumating sa lugar ang lalaki at hinahanap si Archbishop Palma sa hindi nalalamang dahilan. Sinabi ni Bishop Villarojo na hinarap ng isa sa mga kawani ng Arsobispo ang lalaki dahil kasalukuyang wala sa Cebu City si Archbishop Palma.

Isinalarawan ng kawani ni Archbishop Palma na tila wala sa sarili at balisa ang napatay na si Jeffrey Mendoza Canedo.

Patuloy ang pag-iimbistiga ng pulisya sa motibo ng lalaki sa paghahanap nito sa Arsobispo. Kaugnay nito, binasbasan naman ni Bishop Villarojo ang bangkay ng lalaki at inalayan ng panalangin.