August 30, 2020
Ipinagluluksa ng Apostolic Vicariate of Calapan ang pagkamatay ni Rev. Fr. Pedro Pastrana, Jr. S.V.D. na kura paroko ng Sta. Catalina de Alexandria Parish sa Mansalay, Oriental Mindoro.
Ayon sa opisyal na pahayag ng Apostolic Vicariate of Calapan, malaking kawalan ang pagkamatay ni Fr. Pastrana na isang tapat at matiyagang lingkod ng Simbahan na nagbabahagi ng Salita ng Diyos sa Apostoliko Bikaryato ng Calapan.
Umaapela rin ang Apostolic Vicariate of Calapan sa mga mananampalataya at maging sa mga mamamahayag na bigyang paggalang at hayaan ang Simbahan at ang pamilya ng namayapang Pari na ipagluksa ang pagkamatay ni Fr. Pastrana.
Ang 49-na taong gulang na si Fr. Pastrana na kasalukuyang kura paroko ng Parokya ni Sta. Catalina de Alexandria sa bayan ng Mansalay ay natagpuang wala ng buhay pasado alas-sais ng umaga noong ika-29 ng Agosto.
Hinikayat naman ng pamunuan ng parokyang pinaglilingkuran ni Fr. Pastrana na ipanalangin na lamang ang kaluluwa ng Pari sa halip na maniwala sa mga haka-haka at mga maling impormasyon kaugnay sa tunay na naganap sa pagkamatay ng Pari.
- Christian unity, misyon ng isasagawang “Ecumenical Bible festival”. - Sunday, January 17, 2021 10:41 am
- Karahasan laban sa mga katutubo sa Panay island, kinondena ng Visayan Bishops - Saturday, January 16, 2021 3:36 pm
- Obispo, duda sa isinusulong na CHA-CHA - Friday, January 15, 2021 2:03 pm
- Pallium mula sa Santo Papa, tinanggap ni Archbishop Baccay - Friday, January 15, 2021 10:43 am
- Pilipinong Pari, itinalaga sa Franciscan’s Justice and Peace sa Roma - Wednesday, January 13, 2021 12:27 pm
- Ituwid ang mali, tungkulin ng bawat binyagang Kristiyano - Monday, January 11, 2021 12:56 pm
- Archdiocese of Manila, nakikiusap sa mga deboto na huwag magsiksikan sa Quiapo church - Friday, January 8, 2021 11:18 am
- Obispo, nangangamba sa kaligtasan ng mga OFW sa Estados Unidos - Thursday, January 7, 2021 10:47 am
- Mamamayan, hinimok na ipanalangin ang “Change of heart” ng mga opisyal ng administrasyong Duterte - Monday, January 4, 2021 4:44 pm
- “Biseklita de Traslacion” ng Poong Hesus Nazareno, isasagawa sa Davao de Oro - Monday, January 4, 2021 3:13 pm