500 Years of Christianity Countdown

Humiling ng panalangin sa mga mananampalataya ang Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila. Ito’y matapos magpositibo sa COVID-19 si Bishop Broderick Pabillo sa isinagawang RT-PCR.

Pinawi naman ni Bishop Pabillo ang pangamba at pag-alala ng mga mananampalataya sa pagtiyak na nasa mabuti siyang kalagayan dahil ito ay asymptomatic.

Sumasailalim ngayon si Bishop Pabillo sa quarantine at mahigpit na sinusunod ang “strict health protocol” na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Ibinahagi naman ng Obispo sa Radio Veritas na nag-negative sa RT-PCR test ang kanyang mga staff kabilang na ang driver.

Tiniyak din ni Bishop Pabillo sa mga mananampalataya na patuloy niyang gagampanan ang kanyang Ministry sa pamamagitan ng online flatform habang siya ay naka-quarantine.

 

READ: Statement of Bishop Pabillo:

 

Bishop Pabillo's Statement