CulturalLatest News

‘Ama Niamo’ sa Pater Noster church

Nagagalak si Legazpi Bishop Joel baylon sa pagkakaroon ng Bicolano version ng Lord’s Prayer na ‘Ama Namin’ sa Pater Noster Church sa Jerusalem, Israel.

Ayon sa obispo, isang karangalan para sa mga Bicolano ang pagkakaroon ng bersyon na ‘Ama Niamo’ sa Pater Noster church na matatagpuan sa lugar kung saan itinuro ni Hesus sa kanyang mga disipolo ang panalangin.

“Feeling proud and deeply honored to have our Bikol version installed at the Pater Noster Church in Jerusalem,” ang bahagi ng mensahe ni Legazpi Bishop Joel Baylon sa Radyo Veritas.

Ang pagbabasbas at unveiling ng ‘Ama Niamo’ ay nataon sa pilgrimage ng mga Bicolanong pari at mga mananampalataya sa Holy land na kinabibilangan ni Virac Bishop Manolo Delos Santos at Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona.

Matatagpuan din sa simbahan ang mga ceramic tiles kung saan makalimbag ang panalanging ‘Our Father’ sa iba’t ibang wika at lengguwahe.

Mayroon ng 140 wika ng Lord’s Prayer mula sa iba’t ibang bansa ang nakalimbag at makikita sa simbahan kabilang na sa Arabic, Burmese, Coptic at maging sa Ilonggo.

Ang Pater Noster church ay naging saksi rin sa malawak na pagkakaiba-iba hindi lamang sa wika kundi maging sa tradisyon sa buong daigdig na napagbubuklod ng pananampalataya sa Panginoon. (Reynalynn Letran)