Tumanggap ng lupa ang 44 na kabataan sa Luzon mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Pinangunahan ni Agrarian Secretary John Castriciones ang pamamahagi ng Certificate of Landownership Award (CLOA) sa DAR44 kung saan mas hinikayat ang kabataan pagyabungin at pagyamanin ang lupa na ipinagkaloob ng gobyerno.
“Mahalagang bigyan natin ng pansin ang sektor ng agrikultura dahil ito ang magpapayaman ng ating bansa, kung malakas ang ating agrikultura, lalago rin ang ating ekonomiya,” bahagi ng pahayag ni Castriciones sa panayam ng Radio Veritas.
Ang mga ipinamahaging lupa sa DAR44 ay sa ilalim ng Executive Order no. 75 na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019 na ipamigay ang mga Government Owned Lands sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Ang DAR44 ang kauna-unahang batch ng mga estudyante na tumanggap ng tig-isang ektaryang lupa makaraang lagdaan ni Castriciones ang Administrative Order no. 3 noong Nobyembre.
Naniniwala ang kalihim ng DAR na sa pamamagitan ng pagkakaloob ng lupa sa mga kabataang magtatapos ng agrikultura ay makatutulong upang mas mahikayat ang mga kabataan na magpursiging kumuha ng kursong may kaugnayan sa agrikultura.
Isinagawa ang awarding ng CLOA sa DAR compound sa Quezon City na dinaluhan ng mga kawani ng kagawaran, ilang kinatawan mula sa Department of Agriculture, Bataan First District Representative Geraldine Roman, Rep. Teodoro Montoro ng AASENSO Party list, Lal-lo Cagayan Mayor Oliver Pascual at iba pa.
Bukod sa lupa, tatanggap din ang ‘agrarian reform beneficiaries’ ng tulong mula sa DAR at iba pang ahensya ng gobyerno para matiyak na mapapaunlad ang lupain at magamit sa pagtatanim ng pagkain.
Bilang suporta ng simbahan sa adhikain ng pamahalaan, may 1,000 scholars naman ang Caritas Manila na tinutulungan upang makapagtapos sa kursong agri-business.
- Mamamayan, binalaan ni Cardinal Advincula sa kumakalat na pekeng solicitation letter - Thursday, April 22, 2021 10:46 am
- Apostolic Administrator ng Vicariate of Occidental Mindoro, humiling ng panalangin sa kapayapaan ng kaluluwa ni Bishop Palang - Thursday, April 22, 2021 8:10 am
- SVD at Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro, nagluluksa sa pagpanaw ni Bishop Palang - Wednesday, April 21, 2021 5:12 pm
- OFW’s sa UAE, pinuri ng AVOSA - Wednesday, April 21, 2021 1:28 pm
- Obispo, dismayado sa profiling ng otoridad sa nagtatag ng community pantries - Tuesday, April 20, 2021 2:54 pm
- Kaparian sa Archdiocese of manila, hinikayat ni Bishop Pabillo na magtatag ng community pantry. - Monday, April 19, 2021 12:57 pm
- Pagdiriwang ng 500YOC, mahalagang pamana sa mga Filipino - Monday, April 19, 2021 11:00 am
- Vatican, nakikiisa sa Ramadan - Saturday, April 17, 2021 2:41 pm
- Pagkilala ng pamahalaan sa Basilica Minore del Santo Nino de Cebu bilang national treasure, pinuri ng Agustinian missionaries - Saturday, April 17, 2021 2:31 pm
- CBCP, humiling ng panalangin sa kagalingan ng mga kawani ng Radio Veritas - Friday, April 16, 2021 9:52 am