Cultural

71-taong gulang na Australian missionary, pinalaya na ng Bureau of Immigration

Kasunod ng mga panawagan ng Simbahan at cause-oriented groups, pinalaya na ng Bureau of Immigration ang 71-taong gulang na si Sister Patricia Fox, NDS matapos ma-detainee sa tanggapan ng magdamag.

Inaprubahan ni BI Chief Jaime Morente ang rekomendasyon ng BI legal division na palayain si Sister Pat matapos mapatunayan na mayroong valid missionary visa ang madre na nagpapatunay na isa itong documented alien.

Ngayong araw, naisumite ng mga abogado ni Sister Pat ang kanyang passport at iba pang dokumento na nagpapatunay na valid ang visa nito hanggang ika-9 ng Setyembre 2018.

Nauna rito, nanawagan ang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity sa Bureau of Immigration at Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang 71-taong gulang na Australian Missionary nun na dinakip dahil sa sinasabing pakikialam sa pulitika at pagiging banta sa seguridad.

Read: Crackdown ng pamahalaan sa mga kritiko, pinuna ng isang opisyal ng Simbahan