Ipagdiriwang ng mga Pilipino sa Middle East ang 500 Years of Christianity. Ayon kay Fr. Troy De Los Santos, OFM Cap., ang Vicar General ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia,mahalagang ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya lalo’t ang mga Pilipinong migrante ay maituturing na tagapagpalaganap ng kristiyinismo sa mga bansang pinaglilingkuran.
“Kami bilang manggagawa sa ibayong dagat ay may tungkuling ibahagi sa daigdig ang biyaya ng pananampalataya na tinanggap; we give our yes to mission,” mensahe ni Fr. De Los Santos sa Radio Veritas.
Tiniyak ng opisyal ng AVOSA na kaisa ang mga Pilipino sa United Arab Emirates sa pasasalamat sa Panginoon sa kaloob na kristiyanismo sa bansa.
“Nag-uumapaw ang aming puso sa kasiyahang dulot ng pagdiriwang na ito, nagpapasalamat sa Diyos sa kaloob na biyaya ng pananampalataya; Ang Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi ay nakikiisa sa Pilipinas sa pagdiriwang ng ikalimang daang taon ng kristiyanismo,” ani Fr. De Los Santos.
Ayon naman kay Rommel Pangilinan, social media director ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi Facebook page at coordinator ng 500YOC sa Abu Dhabi, ilulunsad ang 500YOC sa lugar sa Abril 16, 2021, sa ikatlong Linggo ng Muling Pagkabuhay.
Pangungunahan ni Fr. De Los Santos ang Banal na Misa alas dose ng tanghali sa UAE habang alas kuwatro ng hapon naman sa Pilipinas.
Sinabi ni Pangilinan na hindi naging hadlang ang mga limitasyong dulot ng pandemya sa pagdiriwang at pasasalamat sa Panginoon sa biyaya ng pananampalataya. Nitong Pebrero sinimulan ang paghahanda sa Abu Dhabi ng selebrasyon kung saan gumawa rin ito ng mga 500YOC memorabilia tulad ng t-shirt at pamamahagi ng mission cross mula sa Manila Cathedral.
Sa kabuuan apat na parokya sa Abu Dhabi ang makikilahok sa pagdiriwang ang St. Joseph’s Cathedral, St. Paul’s Church Musaffah, St. John the Baptist Church Ruwais, at St. Mary’s Church Al Ain. Matutunghayan ang pagdiriwang sa opisyal FB Page ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi.
- Mamamayan, binalaan ni Cardinal Advincula sa kumakalat na pekeng solicitation letter - Thursday, April 22, 2021 10:46 am
- Apostolic Administrator ng Vicariate of Occidental Mindoro, humiling ng panalangin sa kapayapaan ng kaluluwa ni Bishop Palang - Thursday, April 22, 2021 8:10 am
- SVD at Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro, nagluluksa sa pagpanaw ni Bishop Palang - Wednesday, April 21, 2021 5:12 pm
- OFW’s sa UAE, pinuri ng AVOSA - Wednesday, April 21, 2021 1:28 pm
- Obispo, dismayado sa profiling ng otoridad sa nagtatag ng community pantries - Tuesday, April 20, 2021 2:54 pm
- Kaparian sa Archdiocese of manila, hinikayat ni Bishop Pabillo na magtatag ng community pantry. - Monday, April 19, 2021 12:57 pm
- Pagdiriwang ng 500YOC, mahalagang pamana sa mga Filipino - Monday, April 19, 2021 11:00 am
- Vatican, nakikiisa sa Ramadan - Saturday, April 17, 2021 2:41 pm
- Pagkilala ng pamahalaan sa Basilica Minore del Santo Nino de Cebu bilang national treasure, pinuri ng Agustinian missionaries - Saturday, April 17, 2021 2:31 pm
- CBCP, humiling ng panalangin sa kagalingan ng mga kawani ng Radio Veritas - Friday, April 16, 2021 9:52 am