Cultural

425 Yolanda scholars, nagtapos sa kolehiyo

425 mga mag-aaral sa Eastern Visayas ang nakapagtapos ng pag-aaral sa tulong ng Scholarship Program ng Caritas Manila.

Sa pamamagitan ng programang Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP, nakatapos sa kolehiyo ang mga mag-aaral na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Yolanda partikular na sa Samar at Leyte.

Labis ang pasasalamat ni Palo Archbishop John F. Du sa inisyatibo ng Caritas Manila na tulungan mapa-aral ang mga nasabing kabataan.

Aniya, napakahalaga ng edukasyon sapagkat ito ang magsisilbing puhunan ng mga kabataan para ibangon ang kanilang mga sarili at mapalago ang kanilang mga buhay.

“The program is highly appreciated by us, this is very important because most of our community, of our people are the young ones and what [will] happen if we will just leave them behind? so the program is helping the young people for them to become leaders, for them to become into the service to the community so that our generation will be sustained going to be lasting it’s not just the structure that we really going to helped to restore but above all, it is the manpower “ pahayag ni Archbishop Du sa panayam ng Radio Veritas.

235 mga mag-aaral na nagsipagtapos ay mula sa Archdiocese of Palo, ang Arkidiyosesis na nakakasakop sa Tacloban City, isa sa mga pinaka-nasalanta ng bagyong Yolanda halos limang taon na ang nakakalipas.

Plano ni Archbishop Du na ipagpatuloy ang Scholarship Program sa kanilang Arkidiyosesis at tularan ang ginagawa ng Caritas Manila.

“Here in the Archdiocese of Palo being the beneficiary of this YSLEP program we would [like] to continue this, atleast we create our own program because we realize the importance of these program” ani pa ni Archbishop Du.

Maliban sa Archdiocese of Palo ay mayroon din scholars ang Caritas Manila sa Diocese ng Borongan, Calbayog at Maasin na kapwa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Magugunitang umabot sa 16 na milyong indibiwal ang naapektuhan ng bagyong Yolanda kung saan maraming mga kabataan ang nawalan ng pag-asa na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Sa datos na inilabas ng Caritas Manila noong taong 2017 umabot sa mahigit 61 milyong piso ang pondo na inilaan ng Social Arm ng Archdiocese of Manila para sa may 3 libong YSLEP Scholars.