Saint(s) of the Day

 

July 26, 2010


San Joaquin at Santa Ana

 

Sina San Joaquin at Santa Ana ang mga magulang ni Birheng Maria. Nagmula sa tribu ni Juda at sa lahi ni Haring David si Joaquin, ang pinakamalaking biyaya na  natanggap ni Santa Ana ay ang pagsilang kay Inang Maria, ang ina ng Panginoon na nagkatawang–tao.

Ayon sa tradisyon, nanalangin ng apatnapung araw si San Joaquin at humingi ng anak dahil sa matanda na sila ni Santa Ana. Sa mga Hudyo, isang sawim-palad ang hindi pagkakaroon ng Anak.

Nangako ang mag-asawa na kung mabibigyan sila ng supling, ihahandog nila sa Panginoon at hindi naglaon, nagka-anak sina San Joaquin at Santa Ana, matapos magpakita sa kanila ang isang anghel at ibinalita na kikilalanin ng sangkatauhan ang kanilang anak.

 

- A R A L -

“ Kaya ang lahat ng Kristyano, ano man ang kanilang mga kalagayan, tungkulin at antas ng buhay ay magiging banal kung tatanggapin lamang ang lahat ng bagay na galing sa kamay ng Ama sa Langit at makikiisa sa kanyang kalooban. Ibinuhos ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa ating puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kung ang pag-ibig na iyon ay kailangang lumago at magningas sa kaluluwa na parang binhi ang Kristyano ay kusang loob na makikinig sa salita ng Diyos at tutuparin ang kanyang kalooban sa pamamagitan ng gawa, sa tulong ng grasya. “