Mananampalataya, inaanyayahan sa kapistahan ni Sta. Rita de Cascia

Posted on Posted in Cultural

Inaanyayahan ni Sta. Rita de Cascia Parish Priest Fr. Jerico Habunal, priest anchor ng Hello Father 911 Tuesday edition ang mga mananampalataya na makiisa sa kapistahan ni Santa Rita de Casia sa ika-22 ng Mayo.

Ayon kay Fr. Habunal, magandang pagkakataon ang kapistahan upang mag-alay ng panalangin ang mga deboto ni Sta. Rita para sa kagalingan ng mga karamdaman.

Bukod dito, maaari ding ialay ang pananalangin para sa kagalingang pang espiritwal at para sa lipunan.

“Marami siyang miracles, miracles of healing …. So, mga kapanalig lalong lalo na yung mga deboto ni Santa Rita, May 22 po Santa Rita de Cascia, Baclaran Parañaque, See you!” imbitasyon ni Fr. Habunal sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa ika-22 ng Mayo, magkakaroon ng banal na Misa para sa kapistahan ni Santa Rita de Cascia sa mga oras na 6am, 7:30am, 9am, 10:30am habang ang Misa naman sa hapon ay 5:30pm na susundan ng Banal na prusisyon.

Ang Parokya ng Santa Rita de Cascia ay naitatag noong 1906 sa ilalim ng Diyosesis ng Parañaque.

Batay sa Catholic Directory of the Philippines noong 2015 tinatayang mayroon nang 22,391 na binyagang katoliko ang Diocese of Parañaque.

Sharing is caring
  •  
  •  
  •  
  •  
  •