Veritas Interview


Radio Veritas
Interview with Borongan Bishop Crispin Varquez

April  3, 2008

 

Q   :   Bishop, ang inyo pong lugar ay sinalanta ng baha kamakailan, kumusta po ngayon ang presyo ng bigas sa inyong lugar?

A   :   tulad sa Manila, tumaas din po ang per kilo. Hindi po bababa sa 5-pesos ang increase ng prices sa bigas per kilo. Halimbawa, dati 22 ngayon ay naging 27, dating 20 ngayon ay naging 25 something like that basta hindi bababa sa 5 pesos ang increase per kilo sa bigas.

Q   :   Bishop, ano po ang ginagawang hakbang ng local government dyan sa inyong lugar?

A   :   I did not talk yet to the governor about this pero I was inquiring to the people, walang available after the flood. 1 week after the flood until now ay wala nang available na NFA rice. Lahat ay commercial na until now.

Q   :   Yung krisis sa presyo ng bilihin lalo na sa pagkain, ang solusyon po ay yun nga ang mga issues ay hindi lang sa palayan mahalaga rin yung forest. Mahalaga rin yung tubig. Kumusta po ang sitwasyon dyan sa forest management? Lumalala po ba kasi kapag sinabi dyan sa area nyo, talagang marami dyang pagputol ng mga kahoy, noon pa, simula’t sapul pa.

A   :   Yes, sa aking inquiry, yung mga malalaking loggers ay wala nap o pero I heard na meron daw mga nangunguha ng kahoy na hindi licensed, residents siguro, mga nakatira dito. Wala pa akong nakita talaga na dumaan sa ilog hearsay lang. pero so far, wala nang big destruction as of now na nagawa sa forest na yun.

Q   :   Kumusta po yung follow up sa second rural congress?

A   :   Tapos na po sa parish level so we are now preparing for our regional congress sa Cebu sa May 22.

Q   :   Ano na po ang nakuha na mga information sa diocesan congress?

A   :   Una, itong kahirapan ng tao in terms of livelihood. Ang basic kasi na source of living sa amin ay farming and fishing. Ngayon sa farming ay pagkatapos ng baha, maliit lang ang ani ngayon especially sa mga areas like Dolores na rice granary of our place 80 percent sa palay ang nasira kaya mga 20 percent lang siguro ang harvest ngayon sa area. Isa ito sa mga reasons na in coming few months ay talagang mahirap ang buhay ng tao.

Q   :   Bishop, mapunta po tayo sa peace and order. Kumusta po ang lugar nyo?

A   :   So far, ok naman. Wala namang major na nangyari maliban sa konting nakawan. The local government has a campaign for that.

Q   :   Kasi kalat na kalat po ang nakawan ngayon sa ibang rural areas.

A   :   Yes, ang kahirapan po kasi ang isa sa mga reason.

Q   :    Salamat po bishop.