|
Radio Veritas
Interview with Laoag Bishop Sergio Utleg
March 3, 2008
Q: pakitulungan po kaming ipaliwanag ang point no.2 ng CBCP pastoral statement na hinihimok ang pangulo at lahat ng branches ng government para labanan ang korupsyon sa bansa?
A: yeah, dapat sila talaga ang manguna dahil sila ang nasa katungkulan sa lahat ng bagay na kailangan para lumabas ang katotohanan at maalis yun mga baluktot dapat sila ang manguna.di natin dapat na pabayaan sila, hintayin natin ang gagawin nila, tayong lahat dapat ang magtulong-tulong diyan.Kaya kahit may imbestigasyon ay wala namang lalabas na testigo di wala ding mangyayari.
Q: bishop maging solusyon po ba sa problema ang pangulong arroyo?
A: sa tingin ko, depende kung ang ideal situation siguro ay gagawin niya ang lahat, ipairal lahat ang mga batas,tapos out of sincerity ay magre-resign eh kung ginagawa na niya lahat ito ay dapat hindi na magresign sa tingin ko pagresign lang wala namang kasamang pagbabago sa mga tao mismo at sa mga opisyales natin ay wala din mangyayari.
Q: yung pong balita na inimbitahan kayong magmisa ni gov.Michael Keon?
A: hahaha, papano nakarating diyan, well ang nangyuari doon dati kaming nagpa-plano na kaming sa social action.Pumunta nga si gobernador na humihingi ng misa,sabi ko eh di pagkaisahin na natin.Kaya lang, hindi pa sa March 7 pa ang misa.
Q: yan bang misa na yan ay magkakaroon kayo ng talakayan para pag-usapan ang statement ng mga Obispo?
A: ayun, yun hindi lang statement ng mga Obispo dahil ecumenical it.Yun mga statement ng ibang sector ay gagawin din kaya hindi pa plantsado ito.
Q: diyan po sa diocese niyo, palagay niyo ba ang mga palatandaang nangyayari ay makapagbago sa korupsyon?
A: well, hindi natin masasabi..hopefuly ay magiging aware ang tao na ang korupsyon ay nasa atin pala,tayo din ang may kagagawan at hindi maaalis iyan kung hindi tayo gagalaw gaya ng sabi ng mga bishops.communal action talaga ang kailangan.
Q: bishop, ang panawagan ng mga Obispo ay mayroong po bang deadline?
A: hindi ko alam sa totoo lang, wala akong doon sa meeting.
Q: ano po ang inyong panawagan sa lahat?
A: well, sana pakinggan ang appeal ng mga bishop na ang ugat ng korupsyon ay pagiging makasarili ng lahat.Hindi to maso-solve kung hindi ta-trabahuin ang common good.
|