Veritas Interview


Radio Veritas
Interview with Bishop Chito Tagle

March 13, 2008

 

Q. ano po ang kahalagahan nito sa mga katoliko dito sa pilipinas?

A. ang panahon kasi ng kwaresma ay binibigay sa atin ng simbahan 40 araw more or less upang tayo ay makapagtika sa isang napakahalagang bagay hindi lamang para ipagdiwang ang mapagtikang kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus, kundi maghanada para makasabay tayo sa kanya, kasi madali namang magdiwang na parang nanonood ka lang at gumugunita, iba yung ikaw ang magparticipate kaya itong kwaresma  ay panahon sa sapamamagitan ng disiplina ng panalangin, pag-aayuno, at pagkakawang gawa, inihahanda natin ang ating sarili na makasabay kay Hesus, sa atin ding sariling kamatayan para makabangon tayo sa ating buhay, ngayon yun din ang sisiryosohin natin yun e yung disiplina nga, yung panalangin ng pagkakawang gawa, at ng pag-aaayuno.

Q: Paano nyo po maikukumpara ang mga observant ng Pilipinas sa ibang Bansa.

A: Sa naging karanasan ko dahil nakatira din ako sa Amerika dati bilang studyante, ang kwaresma doon sa kanila ay halos hindi mo maramdaman katulad dito, pati nga ang Holy week e, parang hindi na ito bago, at wala ngang mga piyesta opisyal e, siguro dahil secular society hindi ginagawa ang piyesta opisyal, kay dito satin dama mo dahil napakaraming, katulad nung iba walang trabaho, kaya ang mga tao ay nakakapunta sa labas, sa mga selebrasyon at mga seremonyas, tulad ng Holy Thursday yung huling hapunan, yung paghuhugas ng paa, tuloy tuloy yan noh, duon sa ibang bansa hindi na gaano yan napupuntahan, ang nakita ko lang kaibahan siguro yung hindi lang di numero, kasi kahit na punong-puno ang ating mga simbahan, maganda parin tumingin, kung ito ba ay napupuno dahil, naguusiyoso lang, o nakagawian, naghihintay ng bulaklak para makadekorasyon, ito ay para mapasok ang kamatayan ni Hesus, upang tayo ay mamatay din ssa lahat ng dapat na mamatay sa atin, kaya minsan nakakaimpress yung numbers na wala dun sa ibang bansa wala yung numbers e, nakaattend nga ako ng good Friday e, celebration of the cross sa Italy labing-lima lang ang dumalo, kung sa atin yun siksikan ng siksikan, pero labing lima nga yun pero baka naman sila ay mamamatay kasama si Kristo, pero sa atin libo-libo pero ilan kaya ang handang mamamatay para sa kasalanan.

Q: ano po yung assessment ninyo tungkol sa pinalalalim na statement ng CBCP

A: Ang statement po kasi ng CBCP ay nanawagan ngayon panahon ng kwaresma ay ay talagang kailngan ng confession, katulad ng sabi ninyo kanina, yung values, pero para madevelop yung values ung handing mamatay yung dapat na mamatay sa ating sarili yug confession, tayo ay magnilay, tayo magdasal, tayo ay magbigay, at ngayon sa pamumuno ni Cardinal Rosales ay may isinusulong at may inimumungkahi na pwede bang tingnan natin itong bahaging ito, nang mas malalamiman pero ang ginamit dito na mejo mauuna nako ng kaunti pero ang ganda ng hinihingi ni Cardinal Rosales, sabi nya diba ang bayanng Israel nung umalis sa Ehipto ay 40 taon sa disyerto, na paglilinis ng conversion hindi yung madalian na pagkaalis sa Ehipto e promise land agad. Para ang isang tao at ang isang bayan ay talagang malinis na naaayon sa plano ng Diyos ay kailangan tanggapin yung biyaya. Biyaya ito sa biglang tingin nakakainip yung 40yrs sa disyerto ung mga Israelita ay nagreklamo na, hindi nila nakita na biyaya iyon. Nakakatawa kung minsan kapag gusto natin ng kalayaaan pero kapag nakita natin what it can tell, it terms of the discipline, we rather go back yun ang nakakalungkot, ang freedom ay laging ay kapalit na responsibility, at doon nga nagiging tunay na freedom mali kasi yung kumakalat na pananaw na ang freedom ay meron akong kakayahang gawin kung ano ang gusto ko parang at meron nagkaroon ng restriction, whether legal, moral, bakit meron akong restriksyon, at Malaya ako at kayang kayang baliwalaain ang moral sasabihin kung may restriksyon sa kanila, yun nga ang nagpapadalisay ng kalayaan alisin mo mga limit na yun hindi na kalayaan, pang-aabuso na.

Q: ang wasto po bang pag gamit ng kalayaan yung pagtulong sa alay kapwa

A: yan sa linggo alay kapwa Sunday, nagyon tingnan ninyo sa isang maka-mundong pananaw na makasarili, sariling interes ang pakakawang gawa, ay isang instructicality nagtratrabaho ko para kumita tapos pamimigay ko lang ang kaunti sa iba, kug practicality ang paguusapan patay na alay kapwa, pero kung may disiplina na hindi sa kapit tuko ang kayamanan, yan ay katiwala ka hindi ikaw ang may-ari yan ay kung meron kang kayamanan yan ay ipamahagi na maluwag sa loob mo hindi ka kumakapit dyan na para kang may ari kundi katiwala ka ng iyong kapwa at inaalagaan mo.

Q: kung tayo ay nagtutulungan sa ating kapwa wala sana tayong economic problem di po ba?

A: ang modelo nga po dyan yung mga unang sambayanan ng kristyano yung sa gawa ng mga apostol, nagtitipon sila panalangin, eukaristiya, sabi nagpipiraso sila ng tinapay, pero pagkatapos nun hindi lan pala yung breaking of bread, kundi yung kanilang ari-arian ay binibenta nila, at yung kanilang pinagbilan yun ang kanilang binibigay sa apostoles para pagpirapirasuhin din paghati-hatian ng nangangailangan at sabi ang nagiging resulta ay walang nagdaramot sa kanila.

Q: Sa praktikal na pananaw hindi po ba masama ang pagtulong sa kapwa

A: ay oo, kahit hindi pa nga sa praktikal na pananaw kasi ang kapwa na natulungan mo, una ikaw bilang tao hindi mo maitatanggi kapag may natulungan ka may ibang ligaya o kapayapaan at paglao sa pagkatao mo na nararanasan mo, kahit hindi mo pa iniisip si Hesus e, kung wagas ang pagtulong mo ang pagkatao mo, ay talagang nagiging dalisay, kung meron kang kapwang natulungan, yung kapwa mong natulungan ay natutulungan mo siya para makaiwas sa posibleng kapamahakan niya, at kapahamakan ng society.
Minsan sa pagtulong natin sa mga dukha ay tayo narin minsan ang nagtutulak sa kanila para wag silang malulong sa mga maling bagay at later on, kapag napunta sa ganyan, reklamo tayo, bakit ganyan ang lipunan, ang taong ito ay ganito ganyan, pero kung ang taong ito ay naiangat mula duon sa pinagsadlakan nila baka nabawasan itong mga perwisyo sa ating lahat. Minsan naiisip natin bakit kaya meron pang nagugutom e kasi meron naman sobrang masiba, tapos tinatapon lang naman yung natitira nila, e kung kakain ang bawat isa mg sapat, yan e disiplina yan, at yung labis sa sapat nay un e ipapaubaya ko na lang sa iba. Sana ipagkunekta ang fasting at alay kapwa, yung 1 meal, yun e meron pang 2 or 3 meals pa yung iba kasi 5 beses ang meal sa isang araw e. yung matitipid ko sana ibigay mo para makakain sa iba, kaya yung fasting ay di malayo yan sa kawang gawa. Dahil kung hindi mo ibibigay yan sa kapwa, ang fasting na ginawa mo ay pagrereduce lang.


Q: ito po bang alay-kapwa ay katulad ng sa Germany na Lenten po ang collection nila?

A: Opo may pag kahawig po at ang nalilikom po ay nailalan po sa special action at charitable mission po ng simbahan, hindi po ito para sa investments, ito po ay direkta kong ibibigay para po sa nangangailangan.