Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 Khz
Exclusive interview with
His Eminence Gaudencio Cardinal Rosales,
Archbishop, Archdiocese of Manila

May 19 – Monday – 08:33am

 

Q:        Good Morning you’re Eminence?

A:        Magandang umaga sa lahat ng kasama natin sa himpilan ng katotohanan, mga kapanalig ay aming ini-imbitahan na makasama sa araw na ito?

Q:        Kamakailan po ang Santo papa ay nagtungo sa Estados Unidos at nagkaroon ng pagharap doon sa isyu tungkol sa Pedophile priest, siguro magandang pag-usapan ito kung ano ang ginagawa ng simbahan para maiwasan itong mga ganitong pagkakataon?

A:        Una sa lahat bago talakayin itong issue na ito, napansin ng papa benedict XVI, hindi siya nagpaligoy-ligoy talagang nasa eroplano pa siya inamin na niya at halos lima, anim na beses niyang sinabi ito para binigyan ng hudyat nang interviewhin siya ng mga journalists sa eroplano pa bago bumaba sa New York ang, sinabi niya, ang ganda ng sinabi niya, the way he premised the issue e, what the church did, what is today is this, the church needs holy priest, not many priest, yung hudyat na sinabi niya, ang simbahan ay kailangan ang banal na pari at hindi maraming pari, binibigyang-diin at emphasis, hindi basta pari, hindi basta maraming pari, ang sabi niya banal na pari, tapos mula diyan sa statement na yan kanya nang dinadaang, alpasan ang diwa ng gusto niyang sabihin at sinabi niya nakakahiya ang sinapit ng simbahan dahilan sa nangyaring iyan, 7 years ago.

Q:        Doon po sa kanyang sinabi nabanggit niya, kailanman ay hindi dapat magkaroon ng pedophile priest?
A:        Sinabi niya, matapos ang statement na yan, na kinakailangang banal at hindi basta pari ang kinakailangan, sinabi niya dahilan sa nangyari sa simbahan, hinding-hindi na dapat magkaroon ng isang paring katulad ng mga pedophile, sinabi niya, dapat talagang landmark statement na sinabi niya yan, hindi dapat maulit yan, katakot-takot sa ipanadama sa simbahan dahilan sa ganyang uri ng pari talagang, wow, yung kanyang statement talagang is like a delacration e, kung nagyari naman noon hindi na dapat mangyari uli ngayon.

Q:        Ano po ba ang screening ng isang gustong magpari, paano po ba natatanggap sa seminaryo, paano po ba nabibigyan ng go-signal o sige puwede ka mag-aral?

A:        Alam mo medyo maselan yan na usapan yan, bakit? Ini-screen naman ang mga pari e, kung mga nakalulusot na ganyan, kung sabi nga medyo malaki-laki ang porsiyento ng mga nakalusot pagkat marami pala yan e, mayroong diocese na ilang daan ang naisumbong, nasangkot, alam mo yung homosexual, natatanggap sa simbahan sapagkat, bagamat hindi yan ang normal na kilos ng isang lalaki ay hindi naman ibig sabihin na kung mayroong ganyang hilig, ganyan siya kasama, the choose to make distinction between inclination and acting out, inclination ibig sabihin merong mga lalaking ganyan ang inklinasyon, bakit ganon? Yun ang likas na ibinigay sa kanya ng kalikasan e, likas na ibinigay sa kanya, so in other words yan, alam mong may kahinaan yan sa ganyan hindi ibig sabihin komo may hilig na ganon ay parating ganun ang gagawin niya, hindi, the tendency is different from acting out, yung tendency parang may hilig, yung acting out aba, ginagamit mo ang inyong pagkasalawahin, yung hilig mo sa ganyan, sa kalalaki mo at kababae mo, hindi maaari yan, doon sinabi ni Pope Benedict hindi dapat magkaroon ng mga paring ganyan mula ngayon wala na, hindi niya kino-condemn ang homosexual lamang sabi niya, ang hilig ay hindi masama, you act it out ibang usapan yan at yan ay nakalagay sa bibliya acting out a man committing sins with man and woman going as man, yan ay nakalagay sa bibliya.

Q:        Kung yan ang nasusulat sa bibliya e di wala nang salvation yan kung talagang if they will act out?

A:        Puwede namang patawarin yung mga yan e, tulad naman ng isang lalaki naman may asawa na ay mag-aasawa pa ng ibang babae, ganun din. Ang sabi ng santo papa sa distinction hindi niya kinondena ang homesexual, ang kanyang kinondena ang homosexual acting out.

Q:        Sa atin po sa Archdiocese of Manila at maging sa Pilipinas, meron din po bang ganitong mga usapin na napag-usapan at nalantad noong araw?

A:        Meron din, meron din, meron din na nadidinig kaming ganyan pero ang tingin din ng kamuhiuan ng simbahan at nasa kapangyarihan sa puwesto, they reacted also to this, when they heard it when they saw it,  kaano kabigat ito, singbigat din ito sa nangyari sa Estados doon siguro medyo nagkaiba ang tempo o ang degree ng pagkamuhi o pagkagalit.

Q:        Oo, dahil  ang nabanggit din ng Santo papa, mayroon ding banggling ang ilang Obispo sa paghawak ng usapin? So how should a Bishop Act on complains like this?

A:        Ganito, pagka sa Vatican side na lang, pag nakarinig ang isang Obispo ng ganun, kalimitang ginagawa e, gusto namang mamangha ang Obispo kung may katotohanan ang sumbong, gagawa siya ng isang panel, paiimbestigahan ang nangyari, totoo ba o hindi? Yun naman e 50-50 e, ang sagot diyan ay dapat mong sagutin, bakit totoo o hindi? Pag totoo, persecute it, pag hindi what have to do, wala, ganun yun e. should be channeled, ang mangyayari ipasisiyasat at igagawa ng report yung mga ganyan at ipadadala sa mga kinauukulan sa taas.

Q:        Sakali po bukas ang tanggapan ng mga Obispo to received complains if there are?

A:        Ganun naman talaga, hindi naming pinagsasarhan yan, may kaso, talagang kaso then sisiyasatin, may due process.

Q:        Sa ganito pong pagkakataon, hihingi kami ng inyong panalangin at pagbabasbas?

A:        Panginoong hesu kristo, kayo po ang siyang gumigiya sa amin, nagbibigay liwanag sa amin, aming pinasasalamatan ngayon sapagkat, ito ang aming kahinaan kung siyang bunga ng aming likas na buhay, wala kaming magagawa rito kundi pasasamatan kayo sa aming mga karanasan sa amig pagkukulang maging sa aming kahinaan, salamat po, hiling namin, mahina man kami, inyo kaming palakasin sa pamamagitan ng mga liwanag na natuturo sa amin hindi lamang sa bibliya kundi liwanag na nanggagaling sa aming panalangin salamat po mahal na hesus aming panginoon, kami sinusubayyan niyo huwag niyong ipahintulot na kami madadala ng lakas ng mga simbuyo ng mga tukso na siyang gagawang hindi maging malinis ang aming buhay paglilingkod.