Veritas Interview


Radio Veritas
Interview with Cardinal Rosales

April 14, 2008

 

Q: Marami po ang nagsasabi na merong papel na ginagampanan ang media lalo na ang radio, telebisyon, pahayagan, magazine at maging ang internet. Ano po sa tingin nyo ang nararapat gampanang papel ng mass media sa gitna ng sigalot sa ating lipunan?

A: Una sa lahat, babanggitin  ko ung maliwanag at nakatutuwa’t posotibong papel ng media. Ang media po ay kasangkapan lamang parang tool, instrumento ng pamamahayag, instrumento ng pagtuturo, instrumento ng pagpapalago, instrumento ng pagpapaunlad at nandyan nga ang telebisyon,radio mga libro, magazine, pahayagan, lahat. Maging computers. At paunlad pa ng paunlad ito.

Q: Madadagan pa po ba ito habang naglalakbay tayo sa panahon?

A: Positibo po yan. Ito ang positive role ng media.ako po’y naniniwala  Matinding paniniwala po ito na kung ang ating panginoong Hesu Kristo ay nangangaral at kung panahon niya  ay nandyan na itong mga media. Maniwala kayo gagamitin ni hesus ang pamamahayag sa pamamagitan ng  media. Ako’y nakatitiyak , jesus will not forbid himself if we will not choose media. So napakalaki po ng papel ng media katulong yan ni Hesus sa pgtuturo at pagpapaunlad sa mga tao. lamang ang media ay nagagamit sa masama

Q: Sa paanong paraan po?

A: ayyy naku melo, ang media ay sasama kung gagamitin sa pagpapalaganap ng mali, kasinungalingan, paninira, pag-uudyok sa sama ng loob para magkawatakwatak ang mga tao parang pag-iimbot ay lalabas gagamitin ang media at ito po ang nakaktakot, kung minsan sa paghahangad natin ng katotohanan. Ang media po ay gumagamit na rin ng kamalian at ng kasinungalingan napakarami nyan at kung sasabihin ng media kung minsan hindi gumagalaw ito maliwanag na kung minsan na nalalathala rin ng mga kamalian at kasinungalingan. Ito ang ginagawa ng media malimit din ngayon

Q: At bakit?

A: Ito din ang nakakalungkot second part ng di maganda sa media. Ang media ngayon ay nagbabalita, pero ang balita ay may presyo na para kang bumibili ng kamatis, bumibili ng lobo. Pag masarap ang balita may dagdag pag masama naman ang balita na makakasira sa kalaban mo, yan meron yan. May tinatawag pa nga dyang scoop eh, ibig sabihin ang balita sa dyaryo ay may presyo. yan ang hindi maganda. Bakit? Sapagkat Kung minsan ang nangyayaring ganyan ay natututo na rin sa pagmamadali ng mga mamahayag ay napapasobra, nagpapakulang, nagdadagdag . nagdadagdag ng rekado, pinasasarap ang istorya na wala na sa katotohanan. At kung minsan din ang media ay nagkakasala ng ganito. Bakit? Sapagkat kung minsan sila na ang nagbibigay ng interpretasyon sa balita. Hayaan mong ang mga tao ang magbigay niyan, hayaan mong may editoryal ang media.Pero ang front page, ilalagay mo na ganito,at para bang sinasabi ito ang laman ng dyaryo namin. Aba’y di maganda yon. Paninira  na yon hindi yon totoo. Para yun nagiging lampon ng dyaryo at di tunay na pahayagan yan ang masama sa media

Q:  Sinasabi po nyo mayron dapat  kalagyan kung editoryal, editoryal. Iba ung factual?

A: Kung kengkoy, kengkoy dun sa comic section, kung meron man ilagay siya pero wag dun sa front page yun ang masama. There’s  certain objectivity to it. So hindi lang dito, sa ibang bansa din naman eh. Kaya ang media, ay kaulabay ni kristo sa pagsasabi ng totoo.

Q: Subalit nagyong sabado ay ipagdiriwang ng veritas ang pagkakatatag nito. Ano po ang nakikita nyong papel ng veritas 846 hindi lamang sa metro manila kundi sa buong bansa

A: Ito ang nakakatuwa melo una ay babanggitin ko agad sayo ung papel ng Veritas. Ang Veritas ay salitang Latin – Veritas “veritatis” ibig sabihin katotohanan at ito ang radyo totoo. Naroroon tayo sa panig na yan at ako rin ay natutuwa sapagkat ang daming nakikinig sa atin. Isang araw ako ay nasa probinsya malayong malayo na at sabi saan niyo narinig yan, sa veritas. So maraming nakikinig sa atin hindi lang dito lalo na sa mga probinsya.At number two ang balita ng veritas kalimitan pumapasok sa pahayagan. Ikinu-quote tayo nakaktuwa naman at dahilan doon iginagalang ng mga tao ang mga kuro-kuro na nanggaling dito sa ating mamahayag sa Veritas.

Q: Ano po ang masasabi nyo pagkat tayo magdiriwang ng anibersaryo?

A: first of all salamat sa diyos at veritas. Salamat sa diyos at sa ating paglilingkod nakita na natin ang ating misyon . We have found out niche in broadcasting tayo’y hindi nakikipagsabayan sa kompitensya na nakikita natin sa media. We are not included in the fight  in these we have found out niche when you tell the truth people will listen and will
respect you. Ang misyon ay nakita na natin, salamat sa diyos di na tayo kasama sa laro.

Q;Kayo po ang pastol ng maynila, ano po ang inaasahan nyo sa himpilan ng katotohanan- ang veritas?

A: Una sa lahat ako’y natutuwa sapagkat ito na ang minimithi natin. Natutuwa ako sa pagpapahayag ng balita na totoo ay ang radio Veritas ay gumagalang sa sino mang nakikinig na ito ang totoo, wala kaming dagdag , walang bawas, walang rekado ang aming balita. Natutuwa ako sapagkat ang napupulot ng mga tao sa himpilang ito ay ang tunay na balita, yung totoo na walang pagbabalat-kayo. Talagang yaan, so yaan ang una kong kinatutuwaan napanindigan natin ang totoo, ke ito ay popular o hindi. Ikalawa, im happy and I’m joyful because of the position of radio Veritas, siyempre yung minimithi natin sa pagbabalita at pagpapahiwatig ng totoo. Gusto natin na ang radio veritas ay maging galamay o ito ay instrumento ng pagsulong ng isang tao at ng isang bayan. The development of the person must be enchanced by radio veritas. Laluna kung baga pati na ang pag-unlad ng bayan ay matulungan ng radio veritas. Bakit? Sapagkat kung masasabi ko sa inyo. Nung bago pa itayo ang T.V Maria na parang kapatid na rin ng Radio veritas ay ganito, sinabi namin sa editorial policy ay dapat sana ang istasyon ng katotohanan na ito maging developmental, nakakapagpaunlad, nakakapagpasulong ng buhay ng isang tao, ng buhay ng isang lipunan, ng buhay ng bansa, ng buhay ng simbahan it must be developmental , so much so that ang pagbabalita is always developmental, is not only informational it must be formational ibig sabihin kahit na ang balita ay ganito  tuwid o nakahilig dapat ito ay nag-uudyok sa tao na siya ay kaya niya umunlad kahit ganyan ang

nangyayari sa kapaligiran - meaning to say radio veritas is not only informative it must be formative, nakahuhubog. At dahil dito sinasabi
ko rin na sa editorial policy na yan, hindi lamang formational sa balita but formational even in its own recreation – meaning to say formational even in the way we play our music. Ang musika na patutugtugin dito ay nakahuhubog sa tao nakaka-akay sa mga nanganganib, nakakapagpaganda ng diwa, nakakapagpagaan ng kalooban kahit mabigat ang pasanin, inspirational din. So nakikita ngayon, ganito kaiba ang radio veritas. We are not after certain popularity, basta tayo ay mayroong isang molde ng pagbabalita at maliwanag yon.