|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Bishop Broderick Pabillo,
Auxillary Bishop, Archdiocese of Manila
May 21, 2008 – Wednesday – 06:40am
Q: Ano po yong update natin sa National Rural Congress natin.?
A: Mahalaga na iyong nasa state na tayo ng rural congress kasi ngayong Linggo may iba nang mga regions na magkakaroon na ng kanilang Congress. Kasi iyong congress natin iba-ibang stages. Nagsimula iyan noong last year October at December yong mga parishes tyaka iyong mga pre-institute. Tapos ngayon naman January hanggang March ginawa iyong mga dioceses. At ngayon namang May at June ay gagawin na ngayon ay iyong mga regions. Meron tayong limang regions, Luzon North, Luzon South, Eastern Visayas, Western Visayas at Mindanao. Pagkatapos noon sa July ay doon na gaganapin ang congress sa Manila na kasama na ang mga Obispo. Kaya ngayon nasa stage na tayo ng regional groupings.
Q: Isa sa objective ng National Rural Congress II ay hipikan ang mga damdamin at katatayuan ng mga tao sa kalitangan o sa kabukiran. Ano po ba iyong makintal na mga resulta na lumalabas diyan?
A: Wala pa po tayong alam kasi, ginagawa pa nga e, ayaw nating ma-preempt, ayaw nating sabihin na ito mga isyu. At saka, ano ang tingin nilang maging solusyon sa kanilang problema.
Q: So heto iyong sa regional wala pa tayong mapupulot diyan?
A: Wala pa. Ngayon linggo may isang region o dalawang region na gagawa noon.
Q: So ibig sabihin wala pa iyong collated reports?
A: Wala pa.
Q: So ayaw nating magbigay ng pahapyaw lang at baka mali-mali ang lumabas?
A: Oo at saka ayaw nating ikundisyon sa kanila na ito yung mga excuse. Kasi marami na ring mga studies na ginagawa ng gobyerno, ng academe pero iyon ay galing sa punto de vista ng mga mag-aaral, ng mga expert. Gusto nating makita sa pananaw ng mga tao mismo na nakakaranas ng buhay sa kanayunan.
Q: Ano po ang maaaring pagkakaiba ng pag-aaral ng mga eksperto at mga nakakaranas talaga?
A: Hinf
Hindi natin alam kung may pagkakaiba dahil pareho. Hindi natin malalaman.
Q: Sa inyo pong karansan kasi hindi naman kayo bago sa pagkilos sa kanayunan, gaano kalaki ang diperensya ng pag-aaral ng “quote unquote” eksperto at iyong katotohanan?
A: Hindi po natin malalaman iyan kasi maaaring ang resulta ay pareho din sa sinabi ng mga eksperto. Maaaring iba rin ang pananaw ng mga tao sa kanayunan. Hindi natin alam. Tsaka hindi lang naman iyong problema kung hindi ano iyong palagay nating solusyon sa problema na ito.
Q: May panawagan ba kayo Bishop sa ating mga tagapakinig sa buong Pilipinas?
A: Ang panawagan namin sa ating taga pakinig ay sana makiisa tayo. Alamin natin. Alam ko sa ibang mga regions ay ina-announce na iyan sa mga radyo. So alamin natin. So sana kapag lumabas iyong resulta ng rural congress, lahat ay magising, selective at tulugan natin. Kasi hindi magtatapos iyong porblema. Dapat suportahan natin iyong mga narinig nila.
Q: Paano kaya tutulong? Handa na ba kayong tumulong? Mukhang kinukwenta na daw ng senado iyong kanilang mga ginagastos daw doon sa binibigay na tulong sa mga naging testigo ng senado sa ZTE investigation?
A: Alam niyo naman na iyong AMRSP ay tumutulong sa pagsuporta sa mga witnesses. So depende na rin iyan sa senado, desisyon nila iyan, pera nila iyan. Pero kung talagang nakita natin na ang witness ay makokototohanan dapat nating suportahan kasi, kung hindi wala ng magwi-witness, magtetestigo. Kahit na sa ibang mga bansa, dapat nga iyong gobyerno talaga ang sumusuporta sa mga testigo.
Q: Just in case na bitawan ng senado ang pagsuporta sa mga testigo, ang AMRSP po ay hindi kayo kakalas sa kanila?
A: Tutulungan namin, hanggang matutuluingan naming, hanggang ngayon tumutulong kami, yung AMRSP at simbahan. Kaya nga hanggang sa katapusan iyan ang panig sa kanila.
Q: Iyon pong sinasabing bagong witness sa ZTE. Nakipag-ugnayan po ba sa inyo kung nakikipag-ugnayan sa inyo kakandiliin din ninyo?
A: Depende kung ano yong kanyang request. Hindi naman po lahat ng pumupunta sa amin ay tatanggapin namin.
Q: Baka sasabihin ng witness e, walang katiwalaan?
A: Kaya nga susuriin muna namin. Ang alam ko wala pang lumalapit sa amin. Baka may lumapit sa ibang mga grupo. Wala pa namang lumalapit sa amin kaya bukas po talaga kaming tumulong kasi iyon iyong layunin ng simbahan na ilabas iyong totoo. O kaya kung feeling niya na may katotohanan na gustong lumabas ay tutulugan natin na makapgsalita.
Q: Curious lang ako kasi ang background music niyo diyan ay yung mga timitilaok na manok eh auxillary bishop of Manila kayo, nasaan po ba kayo?
A: Nasa Negros ako ngayon?
Q: So nasa kanayunan pala kayo.
Q: Bishop maraming salamat po sa inyo at magandag umaga?
A: Magandang umaga sa inyong lahat.
|