Veritas Interview


Radio Veritas
Interview with Helen Oreto/Operation head Caritas Manila
Fr. Anton Pascual-executive director Caritas manila/
President COO Radio Veritas

April 11, 2008

 

Q: musta ang monitoring ng Caritas Manila sa rice crisis sa Metro Manila?

A: nag-emergency meeting kami sa Caritas Manila, nagpatawag tayo ng assistance sa mga parokya, humingi tayo ng mga volunteer na siyang magbibenta nitong NFA rice sa ating mga urban poor families.Sa ngayon, alam na natin kung ilang sako ng bigas ang kakailanganin ng mga pamilyang mahihirap dito sa Metro Manila.Nagkaroon din ng kasunduan ang Caritas Manila,National Food Authority at ilang sector kung ilan lang ang pupuwedeng i-order na sako ng bigas bawat linggo para sa mga mahihirap na pamilya sa kamaynilaan.Sa ngayon, tutukuyin natin ang mga parokya o lugar kung saan puwede nating dalhin itong mga NFA rice at sino yung mga tao na responsable sa distribution.Ang responsableng gaganap sa pagbibenta ng bigas ay ang mga Social Services and Development Ministry coordinator.

Q: ilan ba ang oorderin ng Caritas Manila na sako ng bigas?

A: sa aming talaan, yung mga urban poor families ay 100,000 kaya lang kung dalawang kilo a day ang average na kunsomo ng bawat pamilya dito sa metro manila, ang projection namin ay 2,000 na sako ng NFA rice per day ang konsumo nito.Pero, hindi pa natin alam kung papano natin makukuha ang buong supply ng bigas sa NFA o sa gobyerno dahil hindi natin alam kung sapat o kakasya ang isu-supply ng NFA na 2,000 na sako kada araw.

Q: ano ang kahirapang nararanasan ng Caritas Manila sa pamimigay ng NFA rice?

A: pinaka-concerned sa ngayon ay yung supply ng NFA rice. Kasi ang mga urban poor ay nandiyan lang yan sa mga komunidad. Ang problema ay kung saan sila makakabili na very accessible sa kanila.

Q: 2,000 na sako kada araw ang kailangan?

Fr.Anton: kulang pa nga yun  eh, mga 3 kilos of rice every day.Ang problema kasi ang supply, walang problema ang distribution.Yun ang problema ng NFA kung paano nila matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap sa Metro manila.Ang Caritas Manila ang magbibigay ng paunang bayad sa N-F-A, ibabalik naman ng mga parokya ang perang ipinambili ng Caritas sa bigas.Dalawang klase ng parokya ang magbibenta ng bigas.Mayroon parokya na accredited ng NFA at merong ding parokya na gustong magtinda na hindi pa accredited ng NFA.Yun ang pinag-aaralan…kasi Cash on Delivery ang mangyayari.Ang crisis na ito ay moral product, ang mahihirap ang apektado dito ang mayayaman ay hindi nila iniinda kung wala mang bigas sa kanilang hapag kainan.