|
Radio Veritas
Interview with Archbishop Angel Lagdameo
February 13, 2008
Q: Unahin ko pong tanungin sa inyo ano po ang ibig sabihn inyo ng panawagan ng “communal action at soul searching”
Kasi meron pong ilan na parang minamasama yung ating panawagan sa pagdarasal natin ng sama-sama ng ating lipunan?
A: Aba’y magandang response yung pagdarasal ng sama-sama katulad ng binanalak ata ng PPCRB sama-sama silang nagdadarasal para sa kabutihan ng ating bansa e masama ba naman yun? Of course hindi namin i-nidentify kung ano yung communal action sapagkat yun ay depende sa mga mamamayan kung papaano at ano ang kanilang pagbasa sa mga nangyayari dito sa ating lipunan kaya ang aming panawagan magdasal muna pagkatapos mag-usap usap ng mapayapa at pagkatapos tsaka sila gumawa ng mga plano yun ang aming panawagan ng mga kabispuhan ng kanilang pastoral statement na ginawa nung January 27 na tiyak ko lamang naman na inulit nito lamang kamakailan.
Q: Archbishop kayo po ba ay informed sa ginawang pagtestigo sa senado nitong si Jun Lozada?
A: E nabalita na yan sa newspaper e,kaya nalaman na rin naman. Paminsan minsan sinusubaybayan namin kung ano nga ang nangyayari.
Q: Kayo po ba ay sang- ayon na magsalita pa itong si Lozada at hindi dapat mahinto sa kanyang pagsisiwalat?
A: Sa aking palagay sapagkata ang aming prinsipyo na sinusunod ay matuklasan natin ang katotohanan at ng sa gayon ay diba sinabi natin na “truth will set us free” yun ang sinabi ng ating Panginoon sa John chapter 8 na kung hindi tayo nagbubulagbulagan, hindi tayo nagsisinungaling, hindi tayo nandadaya, hindi natin tinatago ang katotohanan,ito mismong katotohanan kahit masakit ang siyang magliligtas sa atin sarili at sa may mga kasangkot or mga kinauukulan. Yun ang aming sinasabi.
Q: Dun po sa mga testimonya ng mga government officials sa senate hearing nung isang araw nakita nyo ba na may pagtatakip sa katotohanan?
A: Again hindi ako sa mga naririnig ko at mga nababasa at mga komentaryo parang sila ay nagkakalat parang hindi unified ang kanilang mga testimonya samantalang itong si Mr. Lozada talagang bagama’t siya ay nag-iisa kalma siya at meron siyang focus at isa ang kanyang sinasabi. Hindi mo mabago ang kanyang mga sinasabi. Yun ang virtue, it comes from sa aking palagay naliliwanagan siya ng espirito sapagkat hindi naman niya gusto magsingungaling.
Q: Ano po kaya ang dahilan kung bakit ang mga magkakasama ay nagkakaiba ng kwento?
A: Alam mo mahirap talaga kng meron pagdududa ang pinangagagalingan source nayan at kung halimbawa nagsisimula sa hindi katotohanan mahirap idepende at mahirap maging consistent samantalang itong si Lozada at least in appearance ang parang intension ibinibigay siya ay consistent dun sa kanyang sinasabi.
Q: Ang kasinungalingan po ba ay pwedeng pagtakpan ng isa pang kasinungalingan?
A: Yu ang napakahirap dahil mabibisto at mabibisto laong lalo na kung dadalhin sa korte.
Q: Meron daw po kayong pagpupulong ngayong umaga?
A: Wala nandito ako ngayon sa isang kumpil,pero yun ang maganda kung may nangyayari discussion’s group na kanilang ini-examin, na kanilang pinag-uusapan in preyer ang mga nangyayari sa ating lipunan at harinawa magkaron sana ng tunay na pagsisisi. Alam mo ngayon season of Lent tayo, lahat nararapat na magsisisi, ang napakaganda ay yung pagsisihan natin ang ating mga pagkakamali with all humility at dun tayo makakatanggap ng pagpapatawad ng Panginoon Diyos.
Q: Bishop ngayon po ay Feb. 13 bukas po ay Feb. 14 totoo po ban a ang Valentine’s day ay paggunita kay Saint Valentine? Meron bang santong Valentino?
A: Yun nga ang kaugalian natin na cinicelebrate yung Saint Valentine. Siguro meron nga talagang Saint Valentine hindi natin alam ang tunay na storya pero ang lnalalaman ko marami yan Saint Valentine o Valentino na nasa listahan ng mga Saints.
Q: Pero wala po sa kalendaryo ng simbahang Katoliko na ang Feb. 14 ay dapat ipagdiwang na araw ng mga puso para kay Santong Valentino?
A: Wala pero parang nagging kaugalian na natin na mag celebrate ng Valentine’s day. This is a tradition pero hindi naman ng simbahan pinagdiriwang at wala rin yata yun sa calendar.
Q:tatlong araw daw po ang pagseselebra nito e?
A: Makakabuti sa ating bansa na magkaroon ng araw ng pagmamahalan. Pagka’t si Saint Valentine ay patron ng pagmamahal pero ang pinaka dakilang patron ng pagmamahal ay ang ating Panginoon.
Q: Meron pong bagong balita na lumalabas sa mga pahayagan at radio na yun pong Charter Change road show begins at Federalismo?
A: Ang aking masasabi dyan ay ang nasabi na ng kaobispuhan na siguro matagal na sinasabi sa tamang paraan hindi natin alam kung napapanahon ang pagpapalit ng ating constitution pero kung ating lilimiin ang sintemyento ng marami ay sana after 2010 naten sana pag-ukulan ng masusing pagpplano o pagbabago ng ating saligang batas dahilan sa magulo e!magulo pa ngayon maaring magbigay ito ng impresyon na ito ay reactionary kaya dapat pag-isipan ng mabuti, paghahandaang mabuti ang pagpplano nito.
|