|
Radio Veritas
Interview with Caloocan Bishop Deogracias Iňiguez
February 15, 2008
Question: ano po ang mensahe nyo sa mga gagawin pagkilos ngayon araw na ito sa paghahanap ng katotohanan?
Answer: ang katotohanan ay talagang sya ang magtuturo sa atin ng daan tungo sa paging Malaya mula sa kapahamakan, kasamaan, sa kahirapan tungo sa buhay na karapat-dapat sa atin. Kaya ang akin mensahe sa mga magpapahayag ng kanilang communal action ngayon sana itoy nakabatay sa katotohanan at ang ating nilalayon ay ang kapakanan ng ating bansa.
Question: kayo po ba ay sasama sa anumang gagawin na communal action ngayon araw na ito?
Anwer: Dahil meron ang akong iba pang gawain, physically ndi ako makakatungo, pero I will be joining them in spirit.
Question: Hindi daw po paakyatin sa stage ang mga politiko , ano po ang motibo nyan?
Answer: Maaring sa ngayon ang ating pananaw sa mga politiko ay yoon kulang sa tunay pagmamalasakit sa sambayanan meron mga agenda na mga kanilang isinusulong na maaring hindi talaga nakaugnay sa common good kaya kung minsan ay meron pagpupulong pulong, pagpapahayag ng mga saloobin ng mamamayan na kanilang isinasaiibang tabi muna ang active participation ng mga politiko .
Question: May mga nagtext noong hiring at inbistigasyon, na baka ang mga nagtatanong ay kasali din sa mga kick back, ano po ang pananaw nyo dun?
Answer: ang ating pamahalaan ngayon o mga namumuno sa ating mga tinatawag na lingkod bayan nakikta natin ay sangkot sa mga iba’t –ibang anumalya kaya yun ay isang malungkot na bagay na dapat siguro tuminag sa mga kalooban ng mga politiko natin ngayon ay nagkaroon sila ng tinig na talent na sila ay maging mga tigalingkod bayan na iba ang naging pananaw ng mga mamayang sa kanila kaya ndi tayo magtataka na ung ganun mga reaksyon ay lumabas at marinig natin.
Question: namimisinterpret ang kahulugan ng Communal Action, pwede po bang paki paliwanag nyo yan?
Answer: Ang communal action ay nangangahulugan na ito ay isang gawain ating pinagpasyahan at pinagaralan ng magkakasama hindi isang tao lamang o isang grupo lamang kundi samasama natin pilinano, at talagang pinli at samasama natin narating at samasama natin itataguyod.
Question: Pag meron tayong naririnig na lumalabas na anumang iskandalo ay naririnig lang natin na paliwanag ay pakana lang yan ng mga kalaba ng gobyerno. Pwede po ba yon manahimk na lamang para walang gulo?
Answer: sa sandaling meron tayong mga narinig na ganon, sabi nga pag meron tayong nakitang asong umuusok wag natin sabihin dry ice lang yan, dapat tingnan natin baka talagang may apoy baka nasusunog na tayo. Kaya dapat lamang ating suriin o ating tingnan hindi naman dapat natin tanggapin pag meron tayo narinig pero dapat natin tingnan ang katotohanan. Dapat tayo ay maging bukas at dapat nating hanapin ung talagang nangyayari.
Question: Sa mga ganitong skandalo palaging standard ang paliwanag ng mga nakapwesto. Para silang my iniisip na imaginary enemy, na pakana lang yan ng kalaban sa gobyerno. who would that be kalaban?
Answer: ALam naman natin na isa lamang ito sa mga pag iwas ang talagang inaasahan natin sa sandaling makarinig sila sa pagkat sila ang naroroon sa itaas at sila yung mga sumumpa na mangangalaga sa kapakanan ng bayan kung makarinig sila ng ganun agad nilang tingnan kung ito’y totoo at dalin sa tamang forum para maestablish agad ang katotohan nito.
Question: Ano po ang inyong reaction dun sa sinabi ng palasyo na meron pong banta sa buhay ni GMA?
Answer: Dapat siguro mag ingat sya at daoat tingnan natin, tingnan nya kung sakali man na totoong may banta sakanya, bakit kaya may pinagbabantaan sya.
Question: Panawagan nyo sa mga sasali rally o sa marcha na magpapahayag ng damdamin at pagpapahayag ng pagnanasang mag bago.
Answer: dapat lamang na tayo lahat ay magkaroon ng malasakit sa nagaganap sa ating bayan, kung sa atin kaalaman ngayon sa ating kondisyon ay may mga bagay na hindi talagang nangyayari dapat lamang na tayo ay gumanap ng mga karampatan kilos at kung ang talagang pagkilos ninyong ito ay talagang napagkayarian at sama-sama nyong itataguyod, mabuhay kayo at ito’y magiging isang daan tungo sa pagpapanaog sa ating bansa ng tunay na kapayapaan ng tunay na kaunlaran.
|