|
Radio Veritas
Boac Marinduque Bishop Rey Evangelista
March 10, 2008
Q: anong pagkakaiba ng kababaihan sa ngayon, sa ating simbahan ano ang ginagawa natin
A: may office on women ang CBCP, ito ay sadyang itinatag sadyang para sa kapakanan ng mga kababaihan, at dito sa office on women ay nagkakaroon ng mga programa ang CBCP, isa na sa konkretong ginagawa ay ang pagtatag ng mga womens desk sa mga dioceses para iaddress ang mga concern sa mga dioceses, at ganun din sa ngayon ay nagpapalabas palagi ng mga film review office on women of CBCP siguro nakakarating din ito sa inyo, ito ay pinupublish din sa CBCP monitor para iguide din para sa talagang tamang pagpapahalaga din sa mga kababaihan at bigyan ng gabay ,ang mga kabataan ngayon kung ano ang iaappreciate na films na kung ano at hindi maganada, para sa lalo na sa kapakanan ng kababaihan.Yun ang ilan mga ginagawa ngayon ng CBCP at syempre pa ang mga Obispo sa CBCP ay aktibo sa Federation of Asian Bishop Conference para sa mga pagbabalangkas sa mga plano para sa kababaihan ang totoo nga nyan ay kasama ako sa nagpunta sa Malaysia nitong January 27-31 bale ay 2nd South East asia meeting on women challenges to women and the family in the 21st Century, yung inattendan naming conference at doon ay aming pinagusapan kung ano ang mga problemang kinakaharap ng mga kababaihan magig dito nga rin sa ating bansa, maging sa iba ding Asian Countries at young mga recommendation ng mga bishops at ng Federation of Asian Bishops Conference.
Q: ano ba ang pagiging babae?
A: nakakalungkot nga na sa ngayon madaming modernong kababaihan na sa ngayon ganun ang kaisipan, na kami bilang kababaihan, bilang indibidual ay magagawa namin ang gusto namin sa aming katawan, kahit yung mga ina kung sila ay magbuntis, at sa pakiramdamdam nila ay hindi sila handa para dalin yung baby ay magpapaabort sila, na alam na natin na napakalaking kasalanan at maling mali ito, dahil kung sa akin dahil resulta ito ng feminice movement at yun ang kanilang kaispan na dapat hindi sila dinidiktahan, kung anong gusto dapat yun ang nagagawa kung anong gusto nila, pero sakin ang naooverlooked duon ang di sinasang-alangalang lalo yung mga ina na ganun, e yung ikaw e iniisip mo lang yung sarili mo paano naman yung buhay na dinadala mo, yun ang hindi binigyan ng pansin o timbang sa mga ganun kaisipan, na maliwanag na itong buhay ay kaloob ng diyos, at dapat pag ingatan, dapat pangalagaan, pagka’t ang usapin tungkol sa buhay ay hindi dapat ito pakielaman basta ng tao, dahil sa diyos ito kaya alam natin this is God’s Territory hindi pwedeng basta ang tao ay makielam tungkol sa bagay na ito kung kikikilin ang buhay o kung ano man ang kanyang gagawin so yun ang sana maging maliwanag sa mga kakababaihan sa ngayon, ngayon ay womens month ngayon Marso a nandun na ako sadyang gusto natin bigyan ng pagpapahalaga ang mga kababaihan sa maraming panahon, siguro hindi din nabigyan ng ganun pagpapahalaga, at parang baga ang mga kalalakihan ang binibigyan ng importansya pero ilagay natin sa lugar ang pagbibigay natin ng importansya sa mga kababaihan ngayon e ginagalang natin ang mga kababaihan ng ganun na lamang at kapantay din ng kalalakihan na nilalang ng diyos pero pagggka sa pagkikil ng buhay, abortion, at kug ano pang paggamit ng artificial birth control para lamang mapreserve ang katawan, o para kung ano pang gusto nilang pang sarili, maliwanag sakin, at maliwanag sa buong simbahang katolika na hindi ito tama.
Q: ano po ang inyong mensahe lalo na sa mga kababaihan para mabigyan ng lakas ang mga kababaihan na nakikinig ngayon.
A: Bilang Obispo po ng simbahan katoliko, ako po ay palaging nagdadasal para sa lahat para sa buong simbahan, at ngayon nga ay buwan ng Marso, para sa lahat g kababaihan, iginagalang po ng simbahan, iginagalang namin ang mga kababaihan, ang lahat ng kababaihan lalo na ang ating mga magulang, ang lahat ng mga ina, ang lahat ng mga mabibigat na tungkulin,sa lipunan, ginagalang natin ang kababaihan, kaya lang napakaganda din at tatandaan din ng mga kababaihan na ya-ung kanilang pagnanais pagsisiskap na magkaroon ng maliwanag na tayo sa lipunan, o kaya maiangat ang kanilang mga sarili kapantay ng mga kalalakihan hindi dapat makaligtaan yung pangangalaga sa buhay, pagsasalang alang ng mga karapatan, ng bata, lalo sa mga nasa kanilang sinapupunan, hindi natin dapat payagan yung mga ganun pagkikil ng buhay at iba pang mga katulad nito para lamang sa mga katuwiran, na ito ay karapatan ng isang babae, magandang paalaala ito sa mga babae. Na mahal ko ang lahat ng mga kababaihan, sa kanilangt napakahalaga at maselan na papel sa lipunan at sa pamilya, pero sana pag ka ang buhay, lalo na ang buhay sa sinapupunan ay matatapakan, sana maitama nila ang kanilang kaisipan.
|