|
Radio Veritas
Interview with Diocese of Antipolo Auxillary Bishop Fracisco De Leon
April 10, 2008
Q: Bishop totoo ba na ang pag dami ng tao ang pangunahing dahilan kung bakit kinakapos ang pagkain sa mundo?
A: Hindi iyon ang dahilan para sa akin, kundi ang dahilan ay iyong mga ilang tao ay kinakamkam ang karamihan sa mga kayamanan at pagkain. Para sa akin ang dahilan ay hindi balanse ang pagdidistribute ng kayamanan dito sa mundo
Q: Anu po ang inyong maipapanawagan doon sa mga taong nagtutulak o nanawagan na magkaroon ng population measure magbibigay ng libreng condom at mga birth control pills para daw mabawasan ang kakain ng bigas para hindi tayo kapusin?
A: Iyon ay dapat pagisip-isipan nila sapagkat napaka narrow ng kanilang pananaw tungkol sa problema sapagkat yang mga problema natin ay inter-dependent. Hindi lang iyong pagdami ng population kundi pagbalanse din ng distribution ng goods pag shesharing ng mga tao sa isa’t isa at ganun din ang kultura sa ating kapaligiran, katulad halimbawa ng mga pornographic magazine na nagpapa-alab sa damdamin ng mga tao, lalung lalo na ng mga lalaki upang makipag sex at gayun din iyong kultura natin ng pangangaliwa at dahil doon katulad ng mga nababasa natin maraming mga nagyayabang pa na napakarami nilang mga anak sa ibat ibang mga babae, so nakakadagdag din iyon sa paggdami ng ating population.
Q: So bishop hindi po pala problema iyong kumakain ang problema iyong pagkain?
A: Oo at hindi lang iyong pagkain kundi iyong pagbabahaginan sapagkat may mga ilang tao na dahilan sila ay mayaman ay kinakamkam nila yung mga resources ng pagpapatubo ng pagkain o pag-distribution ng mga pagkain at minsan pinatataas nila ang presyo ng hindi natural para sila ay magkaroon ng tubo.
Q: So bishop kahit po pala sasampung pilipino ang matira sa buong Pilipinas at kasama na tayo doon kung nasa akin ang lahat ng pagkain, nasa akin ang lahat ng lupain gutom parin ang syam na Pilipino?
A: Gutom parin ang sambayanan oo, kaya hinding-hindi, ang simbahan naman natin ay hindi naman lalaban sa tinatawag na pag-alon ng population sapagkat ang pinagtatalunan lang naman ay pamamaraan. Iyong pamamaraan natin ay makakatulong sa pagmamahalan ng mag-asawa, samantalang iyong condom at iba pang contra-ception isa lang gumagalaw doon hindi iyong mag asawa
Q: So bishop iyan pong sinasabi nyo ay imbes na population control ay population management, very responsible parenthood?
A: Oo
Q: Bishop bumalik po ako doon sa pagkain, hiniling ng pamahalaan na ang simbahan ay magdistribute ng bigas, kayo po ba ay anung pananaw ninyo doon?
A: Well ang simbahan kasi ay pinagkakatiwalaan ng pamahalaan sa pagdidistribute ng bgas kaya iyon ay isa sa mga tulong ng magagawa ng simbahan na sila may maging lugar ng pagbabahagi ng mga bigas sa mahirap, sa mga ibig bumili ng mura, walang problema akong nakikita doon.
Q: Anu po kaya kung kapusin ang bigas at ang simbahan ang hanapan?
A: Eh di kailangan tumawag iyong parish priest sa gobyerno na sila ay bigyan ng bigas, kung wala sabihin niya sa mga tao na ito ay galing sa NFA na ginagawa lang distribution center ang simbahan. Kung wala nang bigas ay hindi na sasagutin iyon ng simbahan.
Q: Pero marami na pong mga parokyang nakikita ko sa buong pilipinas na nagtitinda talaga ng mga produktong nanggagaling sa pamahalaan hindi po ba sa parishes, so whats new with this?
A: Walang bago, ang bago lang ay iyong sa bigas plus dahil nga mayroon tayong rice crisis kaya ginagamit na ang simbahan sa pagdidistribute kaya ultimately talaga wala namang bago kung ginagawa naman sa good iyon.
Q: Duon sa “ We are experiencing a social political mess at saka we are unhappy and we feel betrayed” hindi po ba sa para sa pagbanggit na ito ay kapag We ay kasama tayo sa paglalang political mess na yan?
A: Ay pag sinabi mong tayo SIMBAHAN, well kasama din tayo doon dahil maaaring hindi natin ginagawa ang tungkulin nating magpahayag at magturo, iba-iba iyong ating mga ginagawa, mga paring hindi ginagawa ang kanilang tungkulin, pero siyempre up to a certain point na kahit tayo ay magpahayag ng turo at hindi naman makikinig ang mga tao, ano magagawa natin, kung baga sa kasabihan sa tagalog dalhin mo ang kabayo sa tubig ay ayaw naman uminom ano magagawa mo doon?
Q: Pero ito pong sinasabi niyo po itong napaka-halaga rin sigurong example itong witnessing?
A: Oo, iyong halimbawa ng bawat kasapi ng simbahan bukod sa Obispo hangang sa lyco.
Q: Baka mayroon po kayong mensahe sa ating mga taga-pakinig ng Catholic Media Network sa buong Pilipinas
A: Well sa mga tagapakinig itong ating nararamdamang mga suliranin ay atin rin masasalbahan yan malalampasan basta’t magtulong tulong tayo wag tayong magpapanic sapagkat iyong pagpapanic ay nakaka bigat ng ating sulirain at wag tayong makakalimot na umasa sa panginoon, hindi ibig sabihin ng pag-asa sa panginoon hindi na tayo kikilos, hindi na tayo gagawa ng paraan kundi kasama natin ang panginoon sa paglutas ng ating mga suliranin.
|