|
Radio Veritas
Interview with Antique Bishop Romulo Dela Cruz
March 19, 2008
Q : Bishop, ngayon po ay panahon na ng semana santa, ano po ang kakaibang paggunita ng inyong lugar ngayong holy week?
A : Mula noong lunes saka kahapon at ngayon may via crusis kami sa town and siguro lahat ng mga parokya ganun din. Sa umaga mayroon kaming via crusis participated by the people who wish to make sacrifice and then kahapon ginawa na namin ang mass of the chrism saka yung pagbabago ng promises ng ating mga kaparian kasi meron kaming 2 parokya na isla o island parishes kaya minabuti naming maaga ang aming mass of the chrism para lahat ng mga pri ay makaparticipatekaya nga kahapon maliban sa isa naming pari na nag-aaral dyan sa maynila nandito lahat ng mga pari kahapon so ang ganda ng aming mass of the chrism na sinabayan ng mga religious, mga seminarian, mga empleyado ng gobyerno and all kinds of people including people from the parishes so nagkatipon-tipon kahapon. And then ngayon nga, wednesday, except for the via crusis wala namang mangyayari kaya lang may mga confession sa mga parokya as usual. And tomorrow, the mass of the last supper which is normal sa hapon, dito sa cathedral namin gagawin namin mga alas-5 ang mass of the last supper or even 6 pm. And what is unusual in antique is after the mass of the last supper meron muna silang prusisyon around the town nung mga statues of the different saints involved in the passion halimbawa yung Magdalena and all those old testament women and other personages.
Q : Bishop, ano po ang inyong masasabi sa mga deboto na nagpepenetensya at nagpapapako sa krus?
A : Para sa akin, kung panata nila yan, ok lang we respect their panata, we respect their promises to the Lord but para sa akin siguro hindi naman ganyan ang hinihingi ng ating Panginoon yang ganyang panata o ganyang response sa mga favors na natanggap nila sa panginoon there are other ways that can be more productive. Ito kasi eh parang kontra sa ating itinuturo sa simbahan na respetuhin ang katawan when they punish themselves to the extent na dumudugo ang kanilang katawan dahil sa kanilang paghampas, hindi yan naaayon sa gusting mangyari ng ating simbahan and of course ng ating panginoon. Only our lord jesus went through that and maybe we should stick to that so that it will remain authentic na ang panginoon lang ang dumaan sa ganyan at hindi naman sya ang naghampas sa kanyang sarili eh iba namang mga tao ang humampas kay hesus and so there should be other positive ways na ipapakita ang pasasalamat sa panginoon dahil sa ginawang kabutihan niya sa taong gumagawa ng panata.
Q : Bishop, ito ho kayang panata, penetensyang ginagawa ng mga Filipino ay nag-ugat doon sa ating kahiligan sa pagkakaroon ng shortcut eh masmadali pang magpanata at magpalo sa sarili ng isang araw kaysa magpakabait ng isang taon?
A : Hindi natin pwedeng masabi kung itong nangyayari na ito between man and God kungmeron ngang kabutihang nangyayari. We do not know what is inside, hindi natin nakikita kung ano ang nasa puso ng tao. Kun ito nagpapabago sa kanya we cannot make this judgment against him. But syempre ang tinitingnan din natin yung panglabas, eh kung ang nakikita rin natin eh panglabas lamang and the rest of the year wala namang ginagawang kabutihan ang taong ito, hindi natin pwedeng masabi na the Lord is with him o ang ginagawa niya ay naaayon sa kalooban ng Panginoon dahil dapat yung nakikita sa labas, yun yung nasa loob o kung ano ang nasa sa loob mo yun yung nakikita sa labas. Therefore, I don’t agree na once a year ang ganda na ng pagpepenetensya but during the year walang nangyayaring mabuti o walang ginagawang mabuti o pagsasakripisyo para sa kabutihan ng iba o yung halimbawa yung pagtulong sa ibang tao. I don’t agree with panandaliang pagbabayad sa kasalanan. While it can happen, conversion takes place like that pero normally ang proseso nga ng panginoon eh dahan-dahan. Be perfect asyour heavenly father is perfect it happens slowly and real conversion ang nangyayari.
Q : Bishop, isa pa pong parang pinaniniwalaan sa ating bansa kapag holy week eh panahon daw ng anti-anting, sumusulpot yungmga mutya ng kung ano-ano may mga kinukuhang piraso ng buto ng nakalibing at magiging invisible ang sinumang makakukuha nito. Yun po ba’y nasusulat sa ating pananampalataya yung pagkakaroon ng anting-anting.
A : Wala yan. Siguro mga practices yan n gating mga ninuno bago dumating an gating pananampalataya sa Pilipinas yun ang practices nila. Siguro dahil nga sa nakaugalian na mahirap mawala. Kailangan lang siguro ng puspusang pagtuturo. Marami namang nagbabago eh. Marami namang mga tao na dating gumagawa ng ganyan at nang naintindihan na nila, nakita nila ang katotohanan ay hindi na nila ginagawa. So sa mga naniniwala sa anting-anting, bahala na po kayo, ang importante dyan walang katotohanan yan bunga lang ng pag-iisip yang mga sinasabi nating nananalo tayo sa mga ganyan-ganyan dahil sa mga anting-anting, hindi tayo matatablan ng bala dahil sa anting-anting bunga lang po yan n gating pag-iisip at maaaring ang demonyo po ang satanas ay merong sariling powers posible na ang power na natatanggap ninyo ay hindi galing sa Diyos at hindi dahil sa holy week. Maaaring binibigay yan ng demonyo o ng iba pang mga extra-terrestrial powers kung sabihin nga natin. Siguro, trabaho rin yan ng Radio Veritas dahil naririnig tayo ng buong sambayanan. Posibleng gamitin natin ang Radio Veritas para ating maipakita at maipakilala sa mga katoliko o mga kristyano na ang paniniwalang ganyan ay hindi sang-ayon sa turo ng ating panginoon o sa bibliya dapat ay iwasan at hindi na gagamitin ang ganyang klaseng paniniwala o pananampalataya.
Q : So, may pagkakasala pong nagagawa ang isang katoliko kapag siya ay nag-anting-anting.
A : Of course, ang isa sa mga kasalanan na sinasabi natin eh yung paniniwala sa mga bagay na ganyan dahil ang una sa mga commandment nga ay thou shall not have strange god before me, huwag kayong magkaroon ng ibang Diyos maliban sa akin. And whenever we believe those things, we practically believe whoever is responsible for those powers. Ang alam lang natin ang itinuturo sa atin na hindi yan nanggagaling sa Diyos kaya’t nanggagaling yan sa ibang diyos o ibang mga panginoon and therefore, kasalanan yan dahil ipinagbabawal nga ng panginoon ang magkaroon tayo ng ibang panginoon.
Q : Bishop, iyon pong pagdarasal ng mga salitang hindi naman nauunawaan ng nagdarasal. Ang tinutukoy ko po eh yung nag-aanting-anting na may mini-memoryang dasal daw na latin at saka iba pang lingguahe kagaya ng mga abra kadabra, hokus-pokus.
A : Yung latin kung naiintindihan natin eh magandang panalangin. Yung latin na our father, ok yun pero yung mga gawa-gawa,alam ko meron yung may pangalan na satur tapos binaligtad ginawang rutas, mga gawa-gawang mga panalangin kunyari, panloloko sa mga tao at kung gawa-gawa man yun ng demonyo o panalangin na nanggaling sa demonyo para sa kanya eh masama yan. Pero yung mga latin na prayers na talagang panalangin natin ok lang yan walang problema sa mga latin prayer kaya lang hindi mga abra kadabra o yung mga hindi natin naiintindihan na panalangin. We also have among the charismatic yung mga panalangin na hindi natin naiintindihan yung sinasabi nilang panalangin galing sa espiritu santo yan ay hindi naman gawa-gawa, yan ay pumapasok lamang sa kanila but there is ameaning to that.
|