Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 Khz
Exclusive Interview with
His Excellency Archbishop Oscar Cruz
Archbishop, Archdiocese of Lingayen-Dagupan


May 20, 2008 – Tuesday – 6:21am

 

Q: Ano po ang inyong reaksiyon kasi kayo ay medyo well informed doon sa mga naganap na hearing noong araw, anong epekto sa isang testigo o sa mga “would be witnesses” ngayong nakita mo lang ginigipit ang isang testigo ng senado na si Jun Lozada?

A: Malaki po yan pagkat siyempre, ang kanyang ini-intindi, yun lang sarili niya at sa kundi ang kanyang pampamilya, pag nakita po ng isang testigo na para bang siya’y paglaruan lamang, papakinggan lang plus papawalan na, papabayaan na ay talaga pong hindi lalabas.

Q: So tingin po ninyo pagtitipid yung balak ng ilang senador o isa itong pagbibigay hudyat sa sinumang may nalalaman sa gobyerno na iskandalo o katiwalian na huwag na lamang magsalita?

A: Ikalawa, hindi po pagtitipad yan kundi ayaw na nila na mabuksan muli itong ZTE NBN deal na ito, pagkat malaki po ang kinalaman ito sa Malakanyang kaya hanggang maaari tapusin, na huwag nang pakinggan kahit sino at ganon na lang.

Q: So ito po ba’y masasabi nating isang pagtatangkang takpan ang katotohan?

A: Ay naku! Expert po sila diyan at saka kung anu-ano ang ginagawa para nga yung mga yung mga ganyan e, huwag nalang maungkat mapagpatuloy at sa tingin kopo, yun naman maski hindi ipinagpatuloy, alam naman na ang buong katotohanan pero makatutulong kung meron pang isasabi sa salitang iba. 
 
Q: Opo, Archbishop maiba po naman ako ng paksa ano po, ang inyong lalawigan ay isa mga dinaanan ng bagyong “Cosme”, kmusta po naman ang pinsala, malaki po ba o hindi naman gaano?

A: Dito po sa mga nasirang mga bahay pagkat masyado pong malakas ang ulan, ang hangin mababa po e, mababa ang hangin kaya marami pong sinalantang mga bahay, mga bubong at saka mga halaman pati poste ng ilaw, kaya po hanggang ngayon wala kaming ilaw, mga isang linggo na ito mahigit.

Q: Kmusta po naman yung mga bangus, hindi ba nalunod o naka-alpas?

A: Nalunod po, sa ngayon po, marami pong bangus na ipnagbili haggang 25 pesos lamang isang kilo pagkat walang kuryente, walang, hindi puwede iimbak walang refrigerator kaya nakarating po ng 25 pesos ang isang kilo.
Q: Oho, kaya lang dito po yata sa Metro Manila sa halip na bumagsak ang presyo ng kilo ng bangus, tumataas pa?

A: Hindi po nakarating sa inyo yan dito lang sa amin yan hahahaha.

Q: Well Archbishop Oscar Cruz maraming salamat po sa inyo at magandang umaga.

A: Salamat po, God bless po ba-bye po!