Church News


Radio Veritas
Interview with Manila Auxiliary Bishop Bernardino Cortez
Chairman CBCP Episcopal Commission on Social
Communication and Mass Media

February 19, 2008

 

Q: ano po ba ang kahulugan ng communal action, dahil iba-iba ang interpretasyon ikinakabit dito.

A: unang-una wag tayong magtataka kung maraming mga pananaw, interpretasyon kasi di naman tayo makapangyarihang diyos. Halimbawa pakitaan lang kita ng isang libro pag tinanong ko anong nakikita mo, yan o title, sabihin ko wala namang title’yan. Ibig sabihin talagang natural lang na maraming mga interpretasyon kaya kailangan ay tingnan natin ang pinagmulan na talagang kung ano ito. Kasi meron itong direksyon at liwanag na hindi napapansin kung basta babasahin mo lang. siguro magandang malaman na kapag nag-a-assembly ang mga Obispo ang daming grupo bago magkaroon ng assembly gusto ng ipresent na pakinggan ang kanilang mga karaingan, mga mithiin, katunayan habang nag-aassembly kami andaming request na sila’y pakinggan. Iba’t ibang grupo, kaliwa, kanan, gobyerno lahat sila. May mga sulat sila, mga manipestasyon. Dapat malaman ito na kaming mga Obispo bilang ama, pakikinggan namin ang lahat ng aming mga anak. Kaya kung babasahin naming an gaming statement meron kaming pahayag tungkol sa sinasabing nyong ganito, sinasabi ng kaliwa ng nasa kanan, sinasabi ng nasa gobyerno kaya talagang hindi ako mabibigla na ang aming statement ay kaniya-kanya. Pwede ka pumili ng isa tapos alisin mo sa konteksto  magagawa mo ang gusto mo, kaya nga buti pagkakataon ko na itong manawagan sa ating mamamahayag maging sa radio sa pahayagan na tingnang mabuti ng buo at sana tanungin kami kung ano talaga ang puntos namin  kung ano ang direksyon na nais naming ibigay.

Q:  explain to us, communal action part ng cbcp…what is it not?

A: sinasabi ko nga sa inyo na talaga pag binasa nyo ang statement yung lahat ng karaingan na yan sa abot ng aming makakaya babanggitin namin, at yung ngayon kung ikaw ay may interes lang at hindi mo titingnan ang direksyon, ang iyung background kung ano ang pupuntahan ay talagang magagamit mo ang aming statement, so…ang pinakapuntos nito ayt walang iba kundi yung nasa ensiklikal ng santo papa na spe salvi, na tayong nananampalataya mayroon tayong pag-asa kapag may pag-asa tayo iba ang buhay natin. Kasi maliwanag yan sa pambungad pa lamang n gaming statement e, na when we hope, we live differently, ibig sabihin yung buhay natin, hindi matutulad sa mundo kasi babanggitin namin yan sa gitna ng statement e, na ang pamumuhay natin hindi katulad ng patakaran ng mundo na nangyayari kundi mayroon tayong gagawin na magmumula sa ating pananampalataya na may pagbabago na mula sa diyos sa madaling salita so sa maliwanag yun ang diwa, yun ang direksyon n gaming pahayag, statement ha.

Q:  so higher level po ito?

A: well, wala tayong magagawa nananampalataya tayo e, kasi magsasalita kami bilang isang nananampalataya, hindi isang pulitiko, hindi isang oppositionist, hindi isang nasa gobyerno. Ang aming pinaka-puntos ay hindi naming magagawa ang aming tungkulin kapag hindi kami magsalita ng tungkol sa pananampalataya at bunga ng pananampalataya. Sa ganung diwa magandang malaman na lahat ng nakarating sa amin nakupo korupsyon, distraction ng ecology, lalu na sa land reform mga complaints ng mga magsasaka, mga mangingisda, mga manggagawa hindi lamag sa maynila kundi sa mga probinsya, grabe ang mga nangyayari tingnan mo ang mga sumilao ang yulo e, kami’y nakinig kaming mga Obispo hindi namin duon lang sa sumusulat sa amin ha yung mga grupong may manifesto mga ganiyan,kundi talagang dito sa mga magsasaka, mga mangingisda kitang kita naming. Kaya ang pinakabuod ng aming statement sa lahat ng mga kaguluhan ng ating bansa may pakialam ang simbahan ha,alam nyo kung ano, dib a sinasabi yun ng Obispo yung statement na subordination for the common good to private good. Ang nangingibabaw sa tin hindi talaga kapakanan ng bayan kundi sariling nating interes. Yan ang niliwanag naming mabuti, e ito’y sakit di lamang nila, ito’y sakit ko sakit natin. Kaya, napakaliwanag sa aming statement na ang lahat ng mga ito kayat dahil nga ako ikaw namumuno sa atin, yung nakaraang namuno, yung mga militar, mga leftist at yang mga rightist lahat kasi bawat isa sa atin ay may ganitong pagpapahalagang unahin ang sarili ko , unahin ang kabutihan ko bago ang bayan bago ang kabutihan ng marami, kaya ang sabi nga namin sa statement wala tayong sabi namin social conscience, yung konsensyang panlipunan. Pero hindi tayo magkakaroon ng konsiyensyang panlipunan kung wala ka munag personal conscience, di ba logical lang you cannot be a member of a family unless you exist di ba. Kaya pagkatapos noon bago mo maatake ang social conscience, suriin mo ang konsensya mo ang sarili mo. Kaya maliwanag na maliwanag sa statement namin, journey to the life starts with ourselves magsisimula tayo sa ating sarili, kaya sa ganiyang konteksto diyan kami nananawagan, actually itong ginamit namin ay hindi communal action but pray together, vision together, decide and act together. Thinking and praying people in our school, seminaries, parishes, mandated organizations and lay movement. Pagkatapos laging sinasabi, anu ang sinasabi? Mag-umpisa tayo sa ating mga sarili. Ang problema natin, sabi nga naming dito it always look at the enemy only outside of us. Nagsimula tayo ng laging sya ang mali, sya ang mali, wala akong mali, sabay yong walang mali e ang kamali ka rin e. walang patutunguhan tayo e. kasi ganito na ang nangyari nong mga nakaraan e. nagsalita kami, mali yan pero di naming sinabing may mali kami at di naming inanyayahan yong mga kumukontra na may mali din sila. Ang ibig kung sabihin, kapag ang bawat isa ay nagsabing mali ako pagkatapos itong nakikisama sa mga sinasabing mali, ako rin e may mali rin e. sa katunayan kung titingnan natin ang kapalpakan natin, ng mga namumuno namana lang nila yan sa mga nauna sa kanila. Kaya kung sasabihin natin na ang mali ay nasa labas,ay sya at di mo nakikita ang mali mo, paulit- ulit lang tayo.

Q: naka-usap namin kahapon si Sen. Biazon at sabi niya ang mahalaga ay ang pagbabago ng Institusyon, at kaninang umaga sinabi ni Sec. Neri, ang mahalaga ay ang pagbabago ng sistema.

A: e sino ba ang nasa institusyon? Sino ba ang nagpapatakbo nyan? Sino ba ang nasa sistema? Tao! Sarili! Kung ang sarili ay akala nya’y diyos at di nya iisiping ako’y tao, mahina e kahit anong sistema. Nasa tao yan! Ang ibig ko pong sabihin, lahat ng mga nagnanais na magbago,wag lang tayo tumuro sa sarili nila,halimbawa itong nangyayari ngayon, patuloy tayong- may pahayag si Lozada, Alam mo itong nakaraang mga negosyo ng gobyerno ganito ang nangyari,ito ang alam ko, ito ang ginawa ko, humihingi po ako sa inyo ng patawad mga kababayan, tapos tayong mga Pilipino mabait e. lahat ng mga involved magsabi lang.ito, hindi totoo yon, ganito to, gusto ko talaga magbago na tayo, ang bayan e matulungan, bahagi ako! Humihingi ako ng tawad. Palagay ko yong mga namumuno e una, maeencourage sya e, hal. Ikaw tatay at anak mo nagkasala at pagkatapos nangumpisal sayo, ikaw ba sabihin mo e kasi anak kaya ka nagkakaganyan kasi ako e di kita binigyan ng panahon. Ibig sabihin, na instead of throwing mad with one another,let’s accept other madness. Yong  ating pagkaputik o pagkakasala. Ngayon ay panahon ng kwaresma, kaya nga don sa panahon ng kwaresma ang sabi ni Kristo inform your self, sarili mo muna bago yong lipunan.   

Q. so yon pong communal action na yan is a process? Di po bigla-biglang ginagawa?

A. ibig sabihin tingnan natin ang ating mga sarili at doon tayo mag-umpisa. Ang panawagan nga naming dito, lahat tayo mula sa Malakanyang, sa senado, congress, barangay lahat tayo ganito ang gawin natin.

Q. so sa pagbabago ho ng Sistema at institusyon mahalaga na yong mga magbabago nito e nagbago na rin ng sarili.

A. oo. Pero ang ibig kung sabihin, para magbago ka ng sarili dapat magkaroon ka muna ng personal conscience. Buong katapatan at buong paniniwala, ihayag mo ang parti mo sa mga nakaraan. See, ang kapalpakan ngayon, saan sila natoto? Sa kapalpakan ng mga nakaraang namuno. At ang mga nakaraang namuno dapat ihayag din ang kanilang kapalpakan.

Q. so ang panawagan ng cbcp ay gumigising sa konsensya..

A. oo. Talaga!

Q. at yong konsensya, ang nagsasabi sayo ng tama o mali..

A. yan ang tanggapin natin. Papasok dyan yong pananampalataya e. kaya yong sinabi namin kung nananampalataya ka? Ngayon kung wala kang pananampalataya, wala kang diyos,wala kang paniniwala na haharap ka sa makapangyarihan pagkatapos mo dito sa mundo, makamit mo man ang buong yaman ng gobyerno ng Pilipinas ng mundo, haharap ka rin sa Diyos. Kung wala kang paniniwala dyan at ang buhay mo ay dito lang sa lupa,e talagang di mo iintindihin yan, di mo pakikinggan yan. Siguro magandang sabihin ko narin dito, bakit sa maynila di kami masyadong ganito? Syempre alam namin e na ang problema, ang aming pananaw natayo’y bayang tinawag ng panginoong Diyos upang magkaroon ng kaganapan sa buhay. Hindi natin matatanaw yan sa salita lamang. Di natin matatanaw yan sa biglang gawa kundi sa maliliit na simula, maliliit na bagay. Alam nyo yong mga pagbasa ngayon, mula sa unang pagbasa kay propeta Isias ang sabi ang ganda oh. Ibig sabihin, ikaw tanggapin mo ang bahagi mo ng kapalpakan at magiging mabuti ang lahat at pagkatapos sabi dito na gawin nyo ang ginagawa nila pero wag nyong tutularan ang buhay nila,ang halimbawa nila. Gawin ninyo ang tinuturo, ang sinasabi, pero wag nyong tutularan ang kanilang buhay.

Q. so lumalabas po ngayon dito pagsabi natin ng “the problem is with you ang isasagot sa iyo.. and also with you”.

A. di. Sasabihin the problem is with me and also with me. Sa panahon nong martial law nong ako’y bata, bibihira ang nakikita kong taong grasa. Nang apalitan si Marcos dumami ang mga taong grasa, tapos napalitan uli si Erap, lalong dumami ang taong grasa. Ibig sabihin ang mga mahihirapay lalong naghihirap. Siguro isa yan sa mga kaliwanagan ng mga Obispo. Ano ba ang development? Ano ba ang kaunlaran? Magagandang building? Magagandang bahay? Pagkatapos dumadami ang mga mahihirap? O ang development ba ay yumayaman ang mga mayaman? Mas maging makapangyarihan ang may kapangyarihan? At dumami ang mga naghihirap at walang kapangyarihan? Sumulat kami sa cbcp sana meron tayong mga cmm representatives sa mga deliveration. Sa rules kc naming e walang outsider. Kami mga Obispo ay talagang nananawagan para sa ikabubuti natin.