|
Radio Veritas
INTERVIEW WITH TARLAC BISHOP FLORENTINO CINENSE
March 7, 2008
Q : May we just get your opinion kung pwede bang mangyari yung hinihingi ng CBCP sa media to be positive resource of seeking the truth and combating corruption by objective reporting without bias and partiality, selective and tendentious reporting of facts. May we have your opinion your Excellency.
A : Palagay ko’y very possible yan. Ang problema kasi natin dito sa “Pilipinas ay palagay koy napakamalaya ang ating media hindi kagaya ng ibang mga bansa kaya nga nasasabi natin nagagawa natin kung ano ang gusto natin. Ngunit ang inaasahan namin sa media ay yung tumulong sila sa pagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa sa pamamamagitan ng pagpapahayag ng mga katotohanan as they are hindi yung nagkakaroon ng slant o ano pa man kaya anbg nangytayari siguro nakakatulong o mayroong kinalaman an gating media sa mga pagkawala ng tiwala ng isa’t isa, tiwala sa mga namumuno sa kanila dahil sa dito sa ati siguro ma sang konsiderasyon ng media na isang negosyo at kung isang negosyo syempre ang ilalathala mo o ang sasabihin ay ang gusto ng mga tao in order to have yung mga manonood o mga mambabasa ng mga pahayagan. Kaya nga siguro kung babawasan ng kaunti yung mga pagpapahayag, slanted o nakakawala ng tiwala sa ating mga namumuno sa atin, tiwala sa isa’t isa pagkat palagay ko sa ngayon suspek ang bawat isa eh, hindi na tayo naniniwala sa isa’t isa eh mayroong nalalaman siguro ang media dahilan sa mga nababasa natin, naririnig natin, napapanood natin na itoi ay ganito, ganyan. So yan ang hiihingi naming maging objective at palagay ko ituon naman natin ang pansin natin sa mga katotohanan, sa mga bagay na nakatutulong hindi lang yung mga kapintasan.
Q : Bishop, paano po yun? Kung may kalayaan ang mga mamamahayag pero depende rin sa kalayaang ibinibigay ng mga publisher o ng mga may-ari ng himpilan?
A : yun nga, kung ang pangunahin konsiderasyon ay ang negosyo, yung kumita, syempre ang gagawin nila ay yung gustong marinig ng mga tao. Yung nakakaaliw sa kanila, yung mga expectation ng mga tao ngayon kagaya nung sa nangyari roon sa CBCP noong nakaraang linggo. Siguradong inaasahan ng bawat isa na marinig ang panig ng mga Obispo na ganundin i-oust si GMA ganun pero nung hindi ginawa ng mga Obispo, syempre disappointed ang mga tao ngunit ang mga Obispo naman ay sabi nga ng iba naging prophetic sapagkat naging unpopular sila, alam naman nila na magiging unpopular sila kapag ginawa nila yung ginawa nila pero inspite of it ginawa pa rin nila sapagkat yun ang inaasahan nila na makatutulong hindi sa isang tao, sa isang paksyon o grupo kundi para sa kabutihan ng nakararami.
Q : Ano po ang nakikita ninyong responsibilidad ng mga mamamahayag? Ng mga tagapakinig? Ng mga manonood at ng mga nagbabasa ng mga pahayagan?
A : Yun na nga medyo siguro alam mo nung naroon ako sa CBCP nang mag-meeting kami ng gumawa kami ng statement. Pagkatapos kinabukasan, bumili ako ng lahat ng pahayagan at tiningnan ko kung paano iniulat ang mga pangyayari at nakikita ang kaibahan ng mga pahayagan, may nagsasabi ng ganito, mayroong may slant na ganyan, mayroong ala nang ipin ang CBCP etc. kaya nga siguro nakakatulong ang media sa pagkawala ng tiwala ng isa’t isa sa atin kaya sabi ko something positive sa mga kabutihan etc. palagay ko nauunawaan naman nila ang gaito lalo na kayong nasa media.
Q : Hihingi po kami ng mensahe.
A : Nais ko lamang ipabatid sa lahat na ang inyong mga Obispo ay pilit na hinahanapo ang katotohanan at ang ikabubuti ng sangkatauhan, ng bayan. Bagamat hindi siguro popular kung minsan ang statement ng mga obvispo, gayun pa rin pinipilit namin na hanapin ang katotohanan at kaya naman nasasabi naming ito inspite of the fact na nagiging controversial siguro o nagiging unpopulkar ang aming mga statement pero yun ay ginagawa namin para sa kabutihan ng bayan. Kaya nga sana maging patient tayo hanapin natin ang katotohanan lalung-lalo na hanapin natin ang katotohanan ayon sa batas o ng nahahayag sa ating konstitusyon.
|