|
Radio Veritas
Interview with Bishop Precioso Cantillas
February 9, 2008
Q: Bishop bukas po ay pagdiriwang ng Migrant’s Sunday, ano po ang mensahe nyo sa mga OFW naten?!
A: Unang-una ung ating celebration o pagdiriwang g Migrant’s Sunday para sa ating narito sa ating mga kapanampalataya na sana ay atin silang alalahanin hindi lamang sa dahil sila ay nagbibigay ng malaking tulong sa ating society kundi sila din sa ating simbahan ay mga misyonero,na dinadala nila ang ating pananampalataya sa iba kaya ang mensahe ko para sa ating mga mamamayan sa ibayong dagat, mga migranteng Pilipino ay sana magtiwala sa Panginoon at ipakita ang ating pananampalataya sa ating trabaho at sa ating pamumuhay,kung san man tayo narororon at iyon ay isang malaki hindi lamang tungkulin bilang Kristiyano kundi isa din yang paraan ang Panginoon ay makilala ng mga tao kung saan sila nakatira at pangalawa yung ating simbahan ay nagiging concerned din sa kanilang pamilya lalong lalo na yung naiwan dito sa ating bansa sa iba’t-ibang mga simbahan may mga nagsisikap na bigyan ng mga pastoral care na tinatawag natin para ang pamilya kahit man nagkahiwalay para sa mga ganun sitwasyon ng ating mga OFW ay patuloy parin na nagkaisa sa pananampalataya sa Panginoon yun lamang ang masasabi ko sa ating mga kababayan at mga kapatid na migranteng Pilipino.
Q: Bishop let me ask you were talking about Filipino families especially yung concern ninyo with migrant’s Filipino what are the threats to the Filipino families na mayron migrant’s workers na nasa ibang bansa ngayon?
A: well very obvious naman yung separation nung isang parent na nasa ibayong dagat at yung isa ay nandirito kasama ng mga anak yun ay isa sa mga factors na hindi mahalata siguro ngunit paglaki ng bata na asa kayang sarili na medyo may kulang sa pag aaruga ng magulang sa bata ay hiiindi lamang sa paraang material at pagpapadala ng mga pera, ng mga gamit karaniiwan pag kinausap mo ang mga kabataan syempre they want more than presents more than what they can give ngunit syempre hindi muna mahalata yan pero lalabas yan sa behavior ng bata maging sa eskwela at later on sa society
Q: coming from you as a chair as commission on Migrant’s is there any hard and fast truth to make up for the absence of any mother or the father of any family in the Philippines
A: well ang ginagawa ng simbahan hanggat maaari to organize the family of migrant’s of course mero din naman organizations or commissions that are taking care of the families the family alive etc. meron din naman religious groups and organizations that takes care of the family yung para you fill in the lack of presence of a parent through a community through activities that provide support community through a wife to whoever is left behind at saka yung sa mga kabataan
Q: opo one last point ano po kayang nakikita nyong epekto kung walang role model na babae at lalaki sa tahanan anong impact nito sa anak na lalaki at anak na babae?
A: well katulad ng mga karaniwang nangyayari talagang kailangan nila yung mga role models at kung wala naman nyan makikta nila yung peers nila yung values of the world yun ang kanilang maaabsorb na not necessarily ay nagdadala sa kanila sa totoong landas o kaya ay importanteng importante nga yan kaya nga lang dahil sa kahirapan aalis at maiwanan yung mga kabataan kaya yun ang hirap yun ang tinatawag na social cause ng migration yung development ng kabataan nawawalan ng mga role models sa kanilang buhay .Lalo na yung kilos ng significant person yung kanilang ina o ama. Wala silang nakikita sa unahan na dapat nilang sundin pwera lang kung malakas din yung religious education na ibibigay natin through person of Christ para maging model sa kanilang buhay.
|