Veritas Interview


Radio Veritas
Interview with Palawan Bishop Pedro Arigo

March 19, 2008

 

Q   :   Bishop, holy seek na at lahat ng kato9liko sa mundo ay walang iniisip at pinag-uusapan kundi holy week. Dyan po sa inyong diocese, ano ang kakaibang paggunita kung meron?
 
A   :   Wala namang kakaiba ano. Actually, dito sa amin wala yung mga flagellations, wala yung nagpapapako sa krus. So, parang normal na tradisyon ng pagse-celebrate ng holy week. Kaya lang dito sa amin, may isang lugar na kung tawagin ay calvary. Isang bundok talaga ito at sa bundok na ito, mayroong stations of the cross. Ang nag-aalaga nitong lugar na ito ay mga Filipino-Chinese ng Puerto Princesa. Meron silang association na kung tawagin ay Sons ans Daughters of Mary at tuwing ganito, simula noong linggo ng palaspas hanggang sa linggo ng pagkabuhay, ang dami-dami nang taong nagka-camping dito. Practically, parang stay-in na lalo na simula ng Huwebes at nakakatuwang tingnan yan dahil sa dami nga ng taong pumupunta roon ay yung kalsada roon siguro mga usually 1-kilometer from the area, ano yan closed na sa traffic. Para makapasok ka kailangan meron kang pass na issued noong association. Ako, laging may pass ako roon. Kapag pumunta ka roon lalo na pag good Friday, nakakatuwa kasi yung sa stations of the cross paakyat sa bundok yan eh. Talagang parang, ika nga eh parang tubig na dumadaloy pataas, pababa. Yan eh puro tao yan, na marami ay nag-i-istation of the cross. Yung iba naman namamasyal, nag-uusyuso.kaya pagdating naman ng Biyernes Santo from 12 to 3 merong syete palabras pero kalimitan ay ibino-broadcast na lang nila yung nasa radio at pagkatapos ay merong 3 na parang mga deboto roon. Merong 3 krus doon, nakatali sila sa krus na yun mula 12 hanggang 3. Pero hindi naman yun pinapako kaya lang nakabilad sa init ng araw. Mahirap din yun penetensyang malaki din yun. Yun lang ang medyo naiiba dito sa aming lugar. Sa loob ng Puerto Princesa yun sa baranggay ng Lourdes. Yun ang attraction dito sa amin kapag mahal na araw.
 
Q   :   Bishop, ano po ang masasabi nyo sa pagbasa ng pasyon na siguro po ay hindi na makikilala ng mga matatanda na nagpapasyon kasi iba na ang tono, hip-hop na rap pa?
 
A   :   Oo, pero palagay ko merong mga lugar na yung talagang tradisyunal na lumang style na pagkanta ng pasyon meron ka pa ring maririnig. Dito sa amin simula noong linggo ng palaspas may mga kubol-kubol na nagbabasa ng pasyon. Yung matatanda yung tradisyunal na old na melody pero syempre kapag pumasok na yung mga bata iba na ang tono, mga modern.
 
Q   :   Bishop, hindi ba parang nade-demean yung kahalagahan at yung pagkasagrado ng pasyon kung nilalapatan ito ng mga kakaibang klase at ng hindi tradisyunal na tono?
 
A   :   Tama yung obserbasyon mo. Yung pagiging sacred noon ay sabihin natin hindi lang nababawasan, nababastos pa eh no? kaya talaga as much as possible yung mga ganyan sinu-supervise din ng matatanda o kung sino man yung parish priest doon sa area para sa ganoon merong control at hindi hinahayaan na kung ano na lang ang hilig ng tao dahil marami sa ganyan talaga ay parang katuwaan, naglalaro sila kaya lumalabas ginagawa nila yun sa style namedyo ika nga eh ayon sa kanilang hilig, na sila ay nag-e-enjoy.
 
Q   :   Bishop, kung ako po ba ay nag-pasyon hindi dahil sa yung tamang dahilan kundi yung dahilan ko lang eh katuwaan lamang, nadagdagan ba ang aking blessing o nagkasala pa ako?
 
A   :   Nadagdagan hindi yung blessing kundi yung kasalanan. Eh ang dapat sana talaga yung ating mga tao sa panahong ito maintindihan talaga ano ba talaga ang kahulugan at lalong-lalo na ano ba ang kaugnayan o katuturan sa buhay natin lalo na sa kasalukuyan nitong ating pagdiriwang ng mahal na araw kaya ang importante maintindihan natin kung ano ang ibig sabihin para sa akin, para sa atin ng mahal na araw at ano ang hamon nito sa buhay natin. Maganda yung sinabi ni st. agustin tungkol sa selebrasyon natin ng mahal na araw na kung tawagin ay mysterio pascual o paschal mystery. Let us celebrate the paschal mystery with our lives. Yung selebrasyon nay an eh dapat selebrasyon ng buhay natin mismo hindi basta seremonyas lang. Yan ang nakita ko na talagang importante na maintindihan. Ano ba itong pasyon na ito, kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Sa totoo lang ito naman talaga ang misteryo ng buhay ni Kristo, misteryo ng buhay ng lahat ng kristyano. At yung nangyari sa buhay ni Kristo eh dapat yun din ang kasalukuyang nagaganap sa buhay natin dahil si Hesus sabi nga tagapagligtas siya hindi yung pagliligtas na ibinigay sa atin, sabi nga served on a silver platter kundi itinuro niya ang daan. Ano talaga yung daan para makamit natin ang tunay na buhay na ganap at kasiya-siya at bukod sa ipinakita niya na yan, itinuro nya na yan, dinaanan nya na iyan ay kasama pa nya tayo sa daan. Parang siya ang alalay natin, lakas natin, gabay natin, liwanag natin dyan sa daan ng tunay na buhay na ganap at kasiya-siya.
 
Q   :   Bishop, habang tayo’y nag-uusap, may tumawag sa atin at nagbigay ng impormasyon. Mayroon na po palang bagong pasyon, naka-videoke na. Inuulit po natin, ito ay hindi sanction ng simbahan at hindi pinapayagan ang ganitong uri na mga kakaibang presentasyon at pagbasa ng pasyon ano po?
 
A   :   Oo, kaya lamang talaga, yung mga ganyang debosyon sa mga parokya talagang yung mga tao kanya-kanya na hindi naman kino-control ng parokya yan o basta bahala na sila sa buhay nila kaya siguro maganda na mino-monitor din at chini-check din para sa ganun eh itong isang maganda na napaka-antique nang tradisyon ng mga Filipino, kultura na natin yan eh sana’y mapangalagaan, maingatan at manatili na ika nga eh may kabanalan, may kaugnay sa pagdiriwang ng mahal na araw.