|
Veritas Pilipinas
Ariel and Fr.Francis Lucas
Al dela Cruz
Interview with Palawan Bishop Pedro Arigo
(chairman CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral CAre)
January 14, 2008
Q: Opo Ah Bishop yes maganda po na pag usapan natin ang mga tourist spot. Merun pong ipinahayag po ang Department of Touirsm na dapat daw pong suspendihin na ang mga Mining operations sa mga tourist spot at alam po natin na ang Palawan ay sikat sa tourist spotsa buong mundo. Ano po ang reaksyon nyo sa sinabi ni Sec. Durano?
Bishop:Naku very great well published ang sinabi ni Sec.Durano.Actually dito sa Palawan yan ay isang nagbabagang issue yang tungkol sa Mining noh. Siguro nga’y nabalitaan nyo na mayroong around 300 Mining applications dito na bago noh. Na talagang bubutas butasin tong Palawan at merun kami talagang kung ilang pastoral letters na na-isyu namin against Mining noh at sa mga parokya, sa radio stations dinidiscuss namin talaga yan noh dahil merun talagang mga benefits na interms ng employement o may income o gobyerno pero kung yung pag nag custom ka naman ay disadvantage naman sobra grabe kaya actually tamang tama ito dahil sa February 12 merun kaming malaking rally dito noh anti Mining parang “Save Palawan from Mining” yan ang title ng aming rally at merun kaming mga National mga figures na imbitado.Icocover po ng ABS-CBN at ito ay kasama namin dito ang maganda ay si Major Hagidorn kasama namin ang city at kung ilang beses naming ginawa ito mga yang tungkol sa Mining ang tulad ng malimit kong sinasabi sa simbahan naku ay ano pag hindi kumilos ang tao wala ring manyayari kaya napaka importante nito yung makapag-organize kami ng mass based sa mga parokya at nagmomobilize na kami ngayon para nga dito sa malakihang February 12 na Anti-Mining Rally.
Q: Bishop, Si Fr. Fracis po, Magandang Umaga. Ito pong 300 Mining Application eh di application pa lang po ito ano ho dyan ang mga kumikilos na na mga Mining?
Bishop: Ah actually, mayroong yung mga dati na malalaki rito, yung sa Rio Tuba noh, Rio Tuba at yung Coral BiNikel Corporation puro nasa dulo yan sa South noh sa Municipality of Cadaraza. Recently mayroong bago, itong Viron Nikel sa Quezon puro sa South at ang malungkot dito meron sa Narra.Eh ito Narra yung aming Agricultural Municipality na napaka ganda rito ng mga farming dito. Eh yung mga bundok na makikita mo eh gumagawa na ng kalsada kaya naku yung nakaraang bagyo yung kay Lando, kitang kita mo yung epekto ang laki laki ng baha rito at yun ay dahil iba sa aming mga bundok ay nakalbo na at patuloy pang kakalbuhin ng dahil nga dito sa mga napaka raming Mining Application at ang balita namin recently, merun dalawang bago nanamang approved for Exploration .
Q: Exploration na po yun?
Bishop: Oo,Exploration
Q: Ah,Bishop, ito pong mga nakalbong area dyan sa napatunayan yong bagyong Lando, yan po ba ay primary growth forest of secondary growth forest?
Bishop: Ay Actually, yung mga forest rito ay secondary na to.
Q:Ah Secondary na po? Pero Malalago pa po?
Bishop: Magaganda pa! Malalaki na kasi nung araw na wala pa tayong Ecological consciousness talagang na-rape ang bundok at kagubatan ng Palawan.Pagkatapos ayun nung medyo namulat ang tao tungkol nga sa Ecology, ayun nagkaroon ng mga massive tree planting dito at successful naman nare-rehabilitate yung mag forest pero madami pa dito yung mga tinatawag nating virgin forest kaya kung hindi matitigil ang Mining dito ay yung ating forest cover ay talaga naming napaka liit na lalong pang liliit.
Q:Bishop, ito po kasing Mining,ang laki din ng kita nyan dun sa pagakakalbo ng bundok kasi syempre una ang kahoy kinikita po bago mo makuha yung mina, dalawang mina sa ibabaw at ilalim nakukuha kaya malaki pong kita yan.
Bishop: Oo, Authentic Mining dito eh kaya talagang very destructive at alam naman natin na dyan sa Philippine Mining Act merun silang Timber rights, merun silang rights na magputol ng puno para lamang makuha yung mina.
Q: Ah Bishop, pabago ho ng kunti ano, mula sa mina, kayo rin po ang Fiscal Commission Chairperson sa Prison Fractural Care, merun pong pahayag si Joker Arroyo na palayain na daw yung 13 nasangkot sa pagpatay kay Ninoy Aquino. Ano po ang gating opinion dyan?
Bishop: Naku yan ay alam mo ay kasi once a month pag sa Prison Awareness Week ako ay nagmimisa roon sa maximum security yung dating Betro. Nakakusap ko yung mag ilan dyan sa mga involve nga sa tinatawag na Action Gun Month case at merun akong personal na kilala roon at dati kong Parishioner, Si Capt. Bautista, at yung driver nun na si Kaptimbuan eh taga roon sa Dasmarinas sa Cavite. Itong si Capt. Bautista eh yun nga,one time nga magkakatabi kami kumakain kami sa doon sa loob ng Muntinlupa eh nakaka kwentuhan ko eh talaga naming ano eh palagay ko naman ay di sila nagbobolahan sakin talagang ano wala silang alam tungkol sa alam mo naman yung ating Modus Operandi ng Military. Ang nakaka alam lang talaga kung ano talaga ang real story eh yung mga nasa itaas noh. Kaya itong mga taong ito tulad ng Command Command minsan, mga victims to ng injustice din na siguro naman eh kaylangan kung hindi naman talaga legally marere-order ng bail bigyan na ng executive clemency dahil 20 years mahigit nang nanduon sa loob. Kawawa naman noh. Very probable na itong mag taong ito ay inosente.
Q: Eh kung hindi man lahat,eh halos lahat sila ay inosente sa inyo pong pananaw Bishop.
Bishop: Oo!
Q: So,Sang-ayon po kayo sa panukalang yun na hinihiling ni Sen. Joker Arroyo na palayain na yang mga yan.
Bishop: Actually, merun na rin kaming parang ginawang movement dito na yun nga na parang tulungan tong mga taong ito at yung diba lately merung 65 na mga 70 above na napalaya. Oh actually malaki yung papel ng aming komisyon dyan sa nangyaring yan kasi nung lumabas yung decree para kay Presidente Erap, tamang tama yun , October yun eh, Celebration ng Prison Awareness Week, ang ginawa namin, lahat ng 70 sa Correctional sa Muntinlupa ay pinadala namin sa Malacanang ng mga listahan at yung nga for Humanitary reason,mga 70 above na yun,eh palayain na rin tulad ng ginawa kay Erap para naman ika nga eh merung equal treatment before the law. Kaya ayun, nagawan naman ng paraan yung 65 napalaya na pero merung total na 117 dati yung mga 70 and above.
Q: Ah, Bishop, ano po ang most fulfilling experience nyo sa inyong trabaho dyan sa preso, sa mga prisoners?
Bishop: Naku alam mo lalo na dito sa Iwahig noh, kasi malimit din ako nagmimisa dun tsaka nga dyan sa Muntinlupa, talagang tulad ng sinabi ni Pope John Paul II nung sya ay nabubuhay pa na talagang we have to re-think our Penal System. Yung ating kasalukuyang prison system eh sabi nga if this humanizes parang nagiging robot na yung tao na napaka hirap ngang makita yung kanilang human dignity at yun ay parang nabubura sa loob ng prison, kaya sabi nga ni Pope John Paul na we have to re-, magisip ng alternatibo way na kung paano mapaprusahan yung dapat parusahan at more importantly ay paano sila mare-rehabilitate kasi ang evaluation sa ating present Penal System ay very poor ang performance in terms ng really rehabilitating the prisoners. Ang sabi nga isang data,80 % ng ating mga bilanggo magrere-ofend pag yan pinakawalan.
Q:80% po?so walo sa bawat sampu ah.
Bishop: 80% mag rere-ofend yan kaya sabi nga failure itong ating Penal System in terms ng rehabilitating the prisoners. Parang ang emphasis ng ating Pinoy Penal System eh basta parusahan, parusahan, parusahan as if at yung pagpaparusa eh talagang yung human dignity ng tao ay navi-violate na hindi na narerespeto and at the same time sabi nga din dun sa Commend noh, hindi lang yung offender yung pinaparusahan mo,the whole family ang pinaparusahan mo kasi kinulong halimbawa mo yung father, pinarusahan mo yung asawa at mga anak nyan.kaya napaka ganda ng invitation ni Pope John Paul II. We have to re-think our Penal System at mag-isip ng ibang paraan how talagang ma-meet yung demands ng justice lalong lalo na ma-meet natin yung rehabilitation aspects ng ating Penal Sysytem.
Q: Bishop, parag sinasabi ninyo kasi yung pananaw ng karamihan na yung ginawa nung isang tao yung krimen,gumawa sya ng de-humazing act sa sarili nya hindi lang kanyang biktima ang sinasabi nyo, for justice sake, bibigyan ng parusa pero mas mahalaga eh maibalik sya, hindi lalong sirain pa ang kanyang human dignity.
Bishop: Yan, exactly! Tsaka Alam mo nabanggit ko rin sa isang study bagamat ito’y ginawa sa States, talagang ang sabi roon, 5 at maximimu na 10% ng ating mga nasa jail nasa prison ay talagang danger threat sa society na kayalangn talaga silang i-isolate at yung 5 at 10% talaga lamang at yung sabihin nating the big 90% eh nagkaroon at nakagawa ng krimen at kung minsan ay sila ay innocent pa dun sa tinatawag natin yung moment of weakness the hindi naman talaga sila masama. Hindi naman talaga sila threat o danger to the community.
Q: So malaking pong percentage yan 10 against 90 isipin mo.
Bishop: Yan… Oo…
Q: Sige po Bishop Maraming Salamt po at ang inyong pagbabasbas
Bishop: Ah o sige at pagpalain lahat kayo at lahat ng mga nakikinig sa ating istasyon at ng dakilang mapagmahal na Dyos, ang Ama, Anak Espiritu Santo at marahan lagi sa ating mga puso’t kalooban ang kapayapaang hatid ni Kristo Amen.
|