Constitutional bodies, hindi maaring buwagin ng Pangulo at Kongreso.

Posted on Posted in politics

Nanindigan si 1987 Constitutional Commission Member, Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na hindi maaaring alisin o buwagin ng sinuman maging Presidente, Kongreso, o Senado ang mga Constitutional Bodies nang pamahalaan.

Kabilang sa mga constitutional bodies na tinutukoy ng Obispo ang Supreme Court, Commission on Elections, at Commission on Human Rights.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalaga ang bawat komisyon dahil may kanya-kanya itong gampanin sa pangangalaga ng mga karapatan ng bawat tao.

Dahil dito, naniniwala si Bishop Bacani na anumang gawing pagpapasya ng Kongreso laban sa CHR ay hindi ito magwawagi sa pagbuwag ng ahensya.

“Itinakda yan ng constitution, yan hindi maaalis, hindi maa-abolish by the will of congress or the president,” paglilinaw ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas. Ipinaliwanag din ng Obispo na maging ang mga namumuno sa bawat komisyon ay hindi maaaring basta na lamang tanggalin nang walang basehan, o dahil lamang kritiko ito ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ng Obispo na ang isang pinuno ng constitutional bodies ay maari lamang maalis sa tungkulin sa pagtatapos ng kanyang termino o sa pamamagitan ng impeachment proceedings.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Bishop Bacani na labis na kailangan ng Pilipinas sa panahon ngayon ang Komisyong nangangalaga sa karapatan ng mamamayan dahil sa madugong war on drugs at umiiral na martial law sa Mindanao.

““Kinakailangan merong magtatanggol sa mamamayan incase na yung nasa ating institusyon na tagapagtanggol ay sya pa namang aapi sa mga tao…Kakailanganin ito [CHR] ngayon, bakit? Tignan ninyo hindi pa nakakadalawang taon [ang Duterte Administration], walong libo na ang sinasabi na napapatay at marami d’yan talagang pinagsususpetyahan, alam naman nating gawa ng kapulisan, gawa ng mga opisyal ng gobyerno. E si Marcos labing pitong taon, tatlumpung libo lang ang napatay, e tayo, aabot lang tayo ng apat na taon, tatlumput dalawang libo na ang mapapatay,” dagdag pa ni Bishop Bacani.

Sa kasalukuyan, ang CHR ay biktima ng pangha-harrass ng mga Kongresista kung saan 119 sa mga ito ang bumotong pabor na bigyan ng isang libong pisong budget ang komisyon habang 32 naman ang tumutol.

Ang desisyon ng mga Kongresista ay tinawag ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes na “stupid at shameful decision”.

Read: Isang libong pisong budget sa CHR, nakakahiyang ginawa ng Kongreso.

Nasasaad sa Executive Order 163 na inilabas noong May 5, 1987 na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pagbuo ng isang komisyon na poprotekta sa karapatan ng mamamayan laban sa pang-aabuso ng pamahalaan.

Sharing is caring
  •  
  •  
  •  
  •  
  •