Church News


Dapat panatilihing balanse ang kalikasan, ayon sa Obispo

20 July 2010 – Tuesday


 
Dapat laging tandaan ng mga tao na may sariling batas ang kalikasan.

Paliwanag ni Malolos Bishop Jose Oliveros, sapat ang biyaya ng Panginoon para sa kaniyang nilikha subalit hindi naman maaring pabayaan na lamang ito.

Aniya, kinakailangan na maging responsable ang bawat nilalang na gawin ang kanilang bahagi para manatiling balanse ang kalikasan.

Giit ng obispo sa bawat punong puputulin ay dapat magtanim din ng kapalit nito para naman pakinabangan ng susunod na henerasyon.

Sa ganitong paraan ayon sa obispo ay hindi magdulot ng pinsala sa oras na magkasunod sunod naman ang pagdating ng bagyo sa bansa na nangangailangan sa kasalukuyan ng tubig.

“Dapat magkaroon ng reforestation, kung kailangan mo ng kahoy, kunin mo ang kahoy na existing pero dapat magtatanim para sa susunod may maani ka at ma-maintain natin ang balance of nature. E hindi natin ginagawa. E may consequence yon e. kailangan mapalitan mo yung pinutol mo”, ayon kay Bishop Oliveros sa panayam ng Radyo Veritas.