|
Political will, kailangan para tuluyang mawala ang jueteng ayon sa obispo
July 20, 2010 - Tuesday
Kailangan ng political will ng gobyerno upang tuluyan nang maalis ang jueteng sa bansa.
Sinabi sa Radyo Veritas ni Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, chairman ng c-b-c-p Episcopal commission on public affairs, ugat ng graft and corruption sa mga opisyal ng pamahalaan ang illegal gambling.
Ayon pa sa Obispo, malaking hakbangin ito sa Aquino Administration bilang bahagi ng pangako nitong “kung walang corrupt, walang mahirap”.
“Kasi that has been a long standing problem ng ating bansa itong illegal gambling which is the source of of so many evil specially of corruption, I hope the governement will have the political will ,that need to do something in this illegal gambling . ang nangyayari, those who are in government they close their eyes and then eyes close with the money comes from it(jueteng)” ayon sa Obispo.
Pahayag pa ni Bishop Iñiguez dapat palawakin ang livelihood program ng pamahalaan sa ibat-ibang mga probinsiya sa bansa upang mapalakas ang kampanya ng pag-aalis ng iligal gambling sa bansa.
Sinabi ng Obispo alternatibong pangkabuhayan ang kailangan ng mga maralita.
“Open the way that citizens can participate in directing the life of thier community and the country yung active and conscious participation ng mga tao,” pahayag pa ni Bishop Iñiguez.
Naitala ng University of Asia and the Pacific na 70 porsiyento mula sa 30 milyong pinakamahihirap o mga pamilyang kumikita ng mas mababa sa P100 ay nasa rural areas umaasa sa sugal.

|