Church News


SONA ni pangulong Aquino III dapat malinaw at
may kongretong plano – mga Obispo

July 26, 2010 – Monday

 

Umaasa si Palawan Bishop Pedro Arigo na maglalatag ng malinaw at kongkretong plano ang pangulong Benigno Aquino III sa pagpapatakbo sa gobyerno.

Ayon kay Bishop Arigo, hindi biro ang susu-unging problema ni Aquino kung tatahakin nito ang tuwid na daan.

Dagdag ng Obispo na tiyak na maraming matatamaan si pangulong Aquino dahil kultura na at sistema na ng Pilipinas ang korupsyon.

Samantala, umaasa naman si Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez na magiging laman ng State of the Nation Address ng Pangulong Aquino III sa lunes ang Comprehensive Agrarian Reform Program.

Ayon kay Bishop Iñiguez, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Public Affairs, dapat ding talakayin ni Aquino sa kanyang SONA ang problema sa iligal na sugal at korupsiyon.

Naniniwala ang Obispo na ang tatlong isyu ang malaking hadlang kung kaya hindi nakauusad sa kahirapan ang bansa.

Si Aquino ay magbibigay ng pag uulat sa bayan sa lunes sa House of Representatives, Quezon City .