Bishop Tumulak, pumanaw na

Posted on Posted in Cultural

Pumanaw na sa edad na 72 si Bishop Leopoldo S. Tumulak, D.D. dahil sa sakit na cancer.

Si Bishop Tumulak ang Obispo ng Military Ordinariate of the Philippines ay pumanaw dahil sa pancreatic cancer dakong 1:26 ng hapon.

Ayon na rin kay Fr. Harley Flores tagapagsalita ng Military Ordinariate, tatlong buwang naka-confine ang Obispo sa Cardinal Santos Hospital.

Si Bishop Tumulak ay isinilang noong Nov. 29, 1944 sa Santander, Cebu.

Inordinahan bilang pari noong 1972 at itinalagang Obispo noong 1987. Siya rin ay naitalagang Obispo ng Tagbilaran Diocese noong 1992.

Si Bishop Tumulak ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care at dating chairman ng CBCP-Episcopal Committee on the Cultural Heritage of the Church.

Sharing is caring
  •  
  •  
  •  
  •  
  •