|
Mga residenteng naninirahan sa major roads, lantad sa polusyon
July 9, 2010 - Thursday
Lantad sa polusyon ang mga residenteng naninirahan sa major roads ng Kalakhang Maynila.
Ayon kay Rene Pineda, Pangulo ng grupong partnership for Clean Air, karaniwan nagkakaroon ng respiratory at cardiovascular diseases ang mga taong lantad sa polusyon.
“Ang mga residente na 500 meters ang layo sa pangunahing lansangan sila ang prone sa polusyon at partikular na naaapektuhan ang mga minor de edad,” dagdag pa ni Pineda.
Batay sa ulat ng Department of Health P2,000 kada araw, ang ginagastos ng isang Filipino para tugunan ang naturang mga sakit.
Hinihikayat din ng grupo ang publiko na magbisekleta na lamang kung malapit na lugar ang kanilang pupuntahan upang makatulong sa kampanya.
Tinukoy din ni Pineda na banta sa seguridad sa mga sasakyang panghimpapawid ang matinding level ng polusyon.Inihalimbawa ng grupo na kung ang level ng air pollution ay aabot sa mahigit 231 micro grams per normal cubic meter, lalo nat malapit ito sa paliparan, asahan na ang pag divert ng flights ng mga eroplano dahil tiyak na zero visibility at makapal ang haze o smog sa paliparan.

|