|
Nueva Vizcaya, maayos na matapos ang bagyong Basyang
14 July 2010 - Wednesday
Nanatiling maayos ang sitwasyon sa lalawigan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Nueva Vizcaya Social Action Director Sr. Eden Orlino, ibinaba na ang storm signal sa lalawigan sa signal no.1.
Sa kabila nito, sinabi ni Sr. Orlino na patuloy pa rin ang kanilang paghahanda sakali mang may mga lugar na mangailangan ng tulong bunsod ng pananalasa ng bagyong Basyang.
Sinabi din ni Sr. Orlino, bumalik na rin ang suplay ng kuryente sa kanilang lugar kaninang umaga habang nananatili pa ring makulimlim ang panahon.
‘May stock filing tayo at saka minomonitor natin yung area sa mga mangyayari, nangyari wala naman pa. It’s still a welcome rain, hindi naman ito devastating rain’, ang bahagi ng pahayag ni Sr. Orlino sa panayam ng Radyo Veritas.

|