Veritas Balita


Robredo, nanawagan sa lokal na pamahalaan na magtulungan para masolusyunan ang problema ng bayan

July 19, 2010 - Monday


 
Dapat magtulungan ang mga lokal na pamahalaan para madaling malutas ang mga problemang kinahaharap ng bayan.

Sa panayam ng Radyo Veritas, ayon kay DILG Secretary Jesse Robredo, sa kanyang panig, sisikapin niyang maging produktibo ang kaniyang panunungkulan at kaniyang gagawing accessible ang tanggapan sa publiko.

Sa usapin ng disaster management programs, kumpiyansa si Robredo na matutugunan ito ng mga lgu sa pamamagitan ng tamang koordinasyon.

Katunayan, suportado ni Robredo ang isasagawang La Nina summit na isasagawa sa darating na Agosto a-5 hanggang–a-6 sa tanggapan ng Department of agriculture.

Sinabi pa ni Robredo na mahalaga ang disaster plan upang madaling matugunan ang epekto ng mga kalamidad.

Kailangang din aniyang ilatag sa lalong madaling panahon ang hazard mapping at ibang mitigating measures dahil panahon ngayon ng kalamidad.
Sa ulat ng National Disaster Coordinating Council, aabot sa 27 probinsiya ang lantad sa baha, lindol at iba pang uri kalamidad.