|

HALALAN 2010
Sa darating na ika-10 ng Mayo 2010, malayang pipili ang mga Pilipino ng mga pinuno na inaasahang maglilingkod sa bayan at magkakaroon ng pananagutang paglingkuran ang mga mamamayan ng Republika ng Pilpinas. Ang isang malayang halalan ay nangangahulugang walang marahas na pamimilit, pagbabanta at panunuhol upang manghikayat at bumili ng boto. Napatunayan ng natin na ang labis na paggugol ng salapi sa pangangampanya ay hindi katiyakan ng mabuti at tapat na pamamahala.
Sa pagpili ng mga pinuno, kailangan pag-aralan, suriin at paghambingin ang mga katangian ng mga kandidato at isaalang-alang ang mga pangangailangan at mga isyu na bumabagabag sa ating bansa ngayon. Ang kahirapan at katiwalian sa pamahalaan ang dalawang pinakamatinding isyu ng matagal ng sumisira sa ating bayan. Ang dalawang ito’y magkatambal na pumpipinsala sa ating bayan. Habang lumalabis ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, lumalala naman ang karukhaan.
Nagsisimula ang responsableng pagboto sa pagsasama-sama ng mga mamamayan upang talakaying ang mga kinakailangang katangian para sa tapat na pamamahala at suriin and karangalan ng mga kumakandidato sa halalan.
Kabilang sa mga kandidatong susuriin ng mga grupong ito ay mga taong may takot sa Diyos, matuwid ang pamumuhay, hindi lulong sa bisyo, nagtataguyod sa buhay at kabanalan nito, pampalagian at tunay na kaibigan ng mga dukha, nakikiisa sa pag-iingat ng kalikasan, payak at mapagkumbaba, at halimbawa ng pagiging mabuting Pilipino.
Hindi lamang tungkulin ng mga tapat na mamamayang ito ang pagsusuri ng mga kandidato at pagtimbang sa kanilang mga pansariling pasya. Kailangan di nilang magkaisa sa panalanging upang hilingin sa Panginoon na gabayan sila sa knailang pagpili at pagpapasya. Kailangan nating manalangin para sa mapayapang halalan at nagkakaisang bayan bago, habang at pagkatapos ng halalan.
Pagpalain at patnubayan nawa ng Panginoon at ng Mahal na Ina an gating byan sapagkat batid nily na bilang isang bayang may takot sa Diyos, mahal natin ang ating mga kababayan.
Sumaating nawa lagi ang pag-ibig at pagpapala ng Panginoon?
Ika-14 ng Marso 2010, Ika-apat ng Linggo ng Kuwaresma.
Nilagdaan ng Arsobispo at mga Obispo ng Manila Metropolitan Ecclesiastical Province.
" POLL WATCHERS' GUIDE "
ANG SAMPUNG UTOS SA TAMANG PAGBOTO:
1. Bumoto ka ayon sa sinasabi ng iyong kunsensiya.
2. Igalang mo ang kapasiyahan ng iba sa pagpili ng kandidato.
3. Kilalanin mo ang pagkatao, kakayahan at mga katangiang mga kandidatong humihingi ng iyong boto.
4. Alamin mo ang isyu, plataporma at programa ng mga kandidato at partidong tumatakbo sa halalan.
5. Huwag mong ipagbibili ang iyong boto.
6. Huwag mong iboboto ang kandidatong gumagamit ng GUNS, GOONS, GOLD.
7. Huwag mong iboboto ang kandidatong may rekord ng graft at Corruption.
8. Huwag mong iboboto and kandidato dahil lamang sa utang na loob, popularidad o pakikisama.
9. Huwag mong iboboto and kandidatong imoral at mabisyo sa kanyang personal na buhay.
10. Isaalang-alang mo nang una at higit sa lahat ang kapakanan ng bayan sa pagpili ng kandidatong iboboto
English
THE TEN COMMANDMENTS FOR RESPONSIBLE VOTING
1. Thou shall vote according to the dictates of your conscience.
2. Thou shall respect the decision of others in choosing their candidates.
3. Thou shall seek to know the moral integrity, capabilities and other personal qualities of the candidates you will vote for.
4. Thou shall strive to understand the issues, platform and programs of candidates and political parties seeking your vote.
5. Thou shall not sell your vote.
6. Thou shall not vote for candidates using GUNS, GOONS and GOLD.
7. Thou shall not vote for candidates with records of graft and corruption.
8. Thou shall not vote for candidates just because of “utang na loob”, popularity or pakikisama.
9. Thou shall not vote for candidates living an immoral life.
10. Thou shall put the welfare of the country above all else in choosing the candidate you will vote for.
SINO ANG DAPAT IBOTO SA ELEKSYON 2010?
Sa nalalapit na eleksyon, karapatan at responsibilidad mo ang pumili ng mahusay at matuwid na mamumuno. Sinasabi sa Biblia:
Kawikaan 29:2
"Kapag matuwid ang namamahala; nagsasaya ang madla. Ngunit matamlay ang bayan kung ang pinuno ay masama."
10 KATANGIAN NG MATUWID NA LIDER
AYON SA BIBLIA
MAY TAKOT SA DIYOS. Nahahayag sa buhay niya ang pagsunod sa Biblia. (2 Samuel 23:3-4)
MAY MALASAKIT AT PAGMAMAHAL SA ATING BAYAN. Tunay ba siyang mamamayang Pilipino "sa isip, sa salita at sa gawa"? (Deuteronomio 17:15)
MAY KAKAYAHANG MAMUNO. Mayroon ba siyang kakayahang patakbuhin ang ipagkakatiwalang tungkulin sa kanya? (Genesis 41:37-41)
MAGALING MAMAHALA SA SARILING PAMILYA. Tapat sa kanyang asawa at anak, hindi alipin ng anumang bisyo at mataas ang antas ng moralidad. (1 Timoteo 3:4)
MAY INTEGRIDAD. Hindi masusuhulan at makatotohanan sa mga salitang binibitiwan. (Deuteronomio 16:18-19)
MASIPAG. Ginugugol ang panahon sa pagganap ng tungkulin. (Roma 12:11)
MATUWID. Hindi nangungurakot sa bayan at di nasasangkot sa katiwalian. (Awit 89:14)
HINDI SAKIM. Magpapayaman ba siya sa maling paraan? Gagamitin ba niya ang kanyang posisyon para yumaman? (Kawikaan 29:4)
TINUTUPAD ANG SINASABI. Mayroong isang salita sa pagtupad ng pangakong binitiwan. May kakayahang ipatupad kung ano ang tama. May lakas ng loob at pagpapakumbaba na tanggapin ang kamalian at ito ay itama. (Kawikaan 25:14)
WALANG PINAPANIGAN. Maaasahang magiging patas sa anumang pagpapasya. (Kawikaan 31:8-9)

|