21-araw na Lakbay-Buhay pilgrimage, suportado ng multi-sectoral groups

Posted on Posted in politics

Umarangkada na ang 21-araw na Lakbay-Buhay cross-country pilgrimage march-caravan laban sa death penalty.

Nagsimula ang 21-araw na nationally-coordinated, cross country “LAKBAY-BUHAY pilgrimage” laban sa death penalty noong ika-4 ng Mayo, 2017 sa Cagayan de Oro at magtatapos sa ika-24 ng Mayo sa Senate of the Philippines.

Ito ang pinakamalaking anti-death penalty mobilization o pagkilos na inorganisa ng grupong PAKISAMA,Sentro,PhilDHRRA, PPVR, CENVISNET,PMPI,CPM,CBD, EVENET, PILIPINA, PASCRES,CODE-NGO,CBCP-NASSA/Caritas Philippines, Diocesan Social Action Centers, Sangguniang Laiko ng Pilipinas, Radio Veritas kasama ang 100-NGOs, 100-POs/Social Movements,10-schools/universities/colleges, 20-LGUs/Congressional Districts, 10-business groups/cooperatives at 20-Senador at Congressmen.

Layon ng LAKBAY-BUHAY pilgrimage na ipamulat sa sambayanang Filipino na ang isinusulong na death penalty
ay immoral,illegal at anti-poor.

Tampok sa pilgrimage ang pagkakaroon ng public forum sa mga lugar na dadaanan upang magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan na ang death penalty ay magdudulot ng culture of death sa bansa.

Pangungunahan ng 14-Lakbayistas ang pilgrimage kasama ni running priest Father Robert Reyes.

Kaugnay nito, nagpaabot ng papuri at commendation sa mga organizers ng LAKBAY-BUHAY pilgrimage si CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa ginawang inisyatibo para imulat at bigyan ng sapat na kaalaman ang sambayanang Filipino sa banta ng parusang kamatayan kapag ito ay naisabatas.

Hinimok din ni Archbishop Villegas ang sambayanang Filipino na makiisa at manindigan para sa kasagraduhan ng buhay.

Kaugnay nito, naninindigan si PAKISAMA president Herminio Agsaluna na “kabuhayan at hindi death penalty ang sagot sa kahirapan ng mga mamamayan.

Ayon kay Agsaluna, ito ang pangunahing mensahe ng Lakbay-Buhay isang 21-day nationwide march-caravan.

Sinabi ni Agsaluna na siyang mangunguna sa “Core Pilgrims” ng Lakbay-Buhay na ang kanilang gagawing paglalakbay kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay naglalayung isulong ang paninindigan para sa buhay at hindi ang pagbabalik ng parusang bitay.

Panawagan ng grupo sa mga gobyerno at mga mambabatas na ayusin ang justice system ng bansa sa halip na death penalty kung saan ang mga mahihirap lamang ang magiging biktima.

LAKBAY-BUHAY PILGRIMAGE
“21-day nationally-coordinated, cross-country marchcaravan against Death Penalty bill led by Church and
multi-sectoral organizations.(May 4-34, 2017)

LAKBAY-BUHAY ROUTE:

Sharing is caring
  •  
  •  
  •  
  •  
  •