by: Fr. Anton CT Pascual March 10, 2010
Gutom na sector
Noong 2008, naranasan ng maraming Pilipino ang mahaba at at paikot-ikot na pila para lamang sa NFA rice. Hindi man ito kasing linis o kasing sustansya ng commercial rice, marami pa ring pumatos dito. Ito na kasi ang uri ng bigas na kayang bilhin ng maralitang pinoy.
Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Kahit asin o toyo lang ang ulam, basta may kanin, sapat na ito sa maralita. Paano na kung dahil ngayong tagtuyot, magkaroon na naman ng kakulangan sa bigas?
Mga 850,000 metric tons ng bigas ang nasira ng mga bagyo nuong nakaraang taon. Nuong Pebrero, umabot na ng higit 3 bilyong ang pinsala ng El Niño sa agrikultura. Ngayong pagpasok ng marso, umabot na ito P11.195 billion.
Naghahanda na rin ang gobyerno na mag-angkat pa ng bigas kung kinakailangan. Tinatayang aabot ng 2.48 million tons ang gastusin sa pag-angkat ngayong taon. Mas mataas pa ang halaga nito kaysa nung 2008 nuong nagkaroon ng rice shortage. Kaya nga’t hindi maalis sa isipan ng karamihan, tataas na naman ba ang
presyo ng bigas? ... Read More

Listen
|